Steven had been irritated for the past few days. Sino ba naman ang hindi maiirita sa malaking sugat niya sa leeg? Na kapag titignan sa salamin ay mas masahol pa yata sa kalmot ng pusa. F*ck! Inis na mura niya sa isip. Buong akala pa naman niya ay makakapag-relax siya nang gabing iyon bago pa man sila maging busy sa mga ipapagawa ng Boss nila sa THS. Iyon pala, kalmot pala ang mapapala niya. He was f*cking irritated and pissed off. Minabuti na lang ni Steven na abalahin buong araw ang sarili niya sa meetings sa Gaming Pro Inc. Kailangan niyang siguraduhin na hindi papalpak ang expert team niya sa bago nilang project ngayon. But Steven had some trust and respect for his team. Pero mas maigi pa din na lagi siyang nasa likod ng mga ito kapag may kailangan na solusyunan agad. Nang tignan

