"Status?" Tanong ni Shey sa kasama niya na nasa loob din ng isang VIP club na kinaroroonan nila. May operation sila kasama ang ibang tauhan ng Illegal Drugs Division na pinamumunan ni Addie na ilang araw na din nilang pinagplanuhan maigi kung paano nila mahuhuli ang suspect na may malaking kaso ng illegal drugs and human trafficking. Hiningi ni Addie ang tulong ng Hocimide Division para sa kaso nito na human trafficking dahil na din sa mga ilang tao na involve sa kaso na pinatay ng suspect. Malaki-laking sindikato din ang makakalaban nila kaya naman ginagawa lahat ni Addie ang lahat para mahuli ang suspect at leader ng sindikato. At nangako siya dito na gagawin niya ang lahat nang makakaya niya kasama ng mga tauhan niya para maging matagumpay ang operation nilang ito. "Negative, Boss."

