Nakita ni Shey na tumaas ang sulok ng labi ni Steven sa tanong niya. Amusement is clearly written across his handsome face. Para bang ngayon lang ito nakatagpo ng isang babae na kayang gawin ang ginawa niya. "Hindi mo ba ako natatandaan?" muling tanong niya. Hindi niya binibitawan ang mga tingin niya kay Steven. He laughed—and the sound of it made her heart flutter. Even his laugh is rich, very alluring and refined. Lalaking-lalaki ang tawa ni Steven, the kind that makes a woman’s heart tremble. At naiinis siya sa isipin na isa siya sa mga babae na matindi ang epekto. "Hmm.." naaaliw na anas ni Steven. Kinuha nito ang baso na ginamit niya kanina para magsalin ng alak. "Anong pwede kong gawin para maalala kita?" saglit itong tumigil sa sinasabi. Muling tumingin nang matiim sa kanya ha

