Chapter 7

2176 Words
Malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Shey habang nakatingin sa isang building kung saan ang head office ng company na pagmamay-ari ni Steven, ang Gaming Pro Inc. Ayon sa nakalap niyang impormasyon, bagong tayo lang nito ang kumapanya na iyon. Kumabaga isa pa lang iyon start-up company sa bansa. Nagsisimula pa lamang iyon. Muling sumandal si Shey sa hood ng lumang kotse niya, muling tinignan ang building na nasa harapan niya. Sa totoo lang, nahihirapan siyang makuha ang personal contact number nito at kahit na official address nito na para bang sinadya ng binata na walang kahit na impormasyon ang makukuha dito. Kaya nandito siya ngayon sa labas ng building ng kumpanya ni Steven, naghihintay nang pagkakataon na makita man lang ang binata. Ilang oras na ba siyang naghihintay sa labas ng building para lang makita niya si Steven? Ah, hindi na niya mabilang kung ilang oras na. Sadyang naghihintay lang si Shey nang pagkakataon na baka naman lumabas na ito. Pwede naman niyang puntahan ang binata sa loob ng opisina nito para makita at makausap. Maari din niyang gamitin ang pagka-pulis niya para madali siyang makapasok sa building pero hindi niya magawa. Sa buong buhay ni Shey, ngayon lang siya nagduwag sa isang bagay na gustong-gusto niya. At aaminin niya, natatakot siya sa pwedeng maging reaksyon nito. What if he doesn’t recognize her again? Like what he did at the restaurant? Muling napabuntong-hininga si Shey. Saka na lang siguro niya iyon iisipin, ang gusto lang niya ay makita ulit ang binata. Awtomatikong napa-diretso ang likod niya nang makita niya ang tao na kanina pa niya inaasam na makita. Rinig na rinig ni Shey ang malakas na pagkabog ng dibdib niya habang nakatingin sa gwapong mukha ni Steven. Medyo malayo man ang kinaroroonan ng binata na nasa harapan ng entrance ng building ay hindi pa din niya mapagkakaila ang nag-uumpaw na appeal nito na malaki ang epekto sa sistema niya. His brown skin tone complements his features—curly long black hair falling to his broad shoulders, and a prominent nose that gives his face a striking, masculine edge. And then there were his eyes. She fell into them at first glance, completely undone the moment she met his gaze. Tanda pa niya ang magagandang mata nito na matiim kung tumitig sa kanya ng gabi na iyon. Hindi mapagkakaila na pareho lang ang reaksyon ng katawan niya sa nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Steven even looked more relaxed. Mas maganda ang bakas ng gwapong mukha nito ng mga oras na iyon, hindi katulad nang unang pagkikita nila. Muli iginala ni Shey ang mata niya sa kabuuan ni Steven. He was just wearing black pants and a sweater with the sleeves pushed up to his elbows. Simple lang ang suot ni Steven ngunit sobrang lakas ng appeal nito, lalo na sa kababaihan na ilang beses pang napapalingon sa binata. May mga babae pa na bumabati dito na agad naman nginingitian ni Steven at gumaganti ng bati. May kasamang kindat pa na ikinasalubong ng kilay niya. Hindi man gusto ni Shey, ngunit parang may pakiramdam siya na may pagkababaero si Steven. Pero hindi naman niya siguro agad na isipin na babaero ito. Bukod sa babae na nakita niya na kasama nito sa restaurant ay wala pa siyang nakikita na kasama nito. Nataranta si Shey nang mapansin niyang sumakay agad sa sasakyan si Steven pagkatapos ibigay ng guard ang susi nito. Nagmamadaling sumakay agad si Shey sa kotse niya at pina-andar agad ang makina. Susundan niya si Steven, mas mabuti din kung uuwi na ito sa bahay nito para malaman niya na kung saan nakatira ang binata. Ngunit habang sinusundan niya ang binata ay napapakunot ang noo ni Shey. Papunta si Steven sa Poblacion, Makati kung saan maraming mga bars at gimmikan "Saan ka pupunta Steven?" malakas na tanong niya sa sarili habang sinunsundan ang kotse nito. It was a black Nissan GT-R sports car. Hindi mapagkakaila na mayaman si Steven dahil sikat at mahal ang kotse na gamit nito. Alam ni Shey ang bagay na iyon sapagkat mayroon ganoong klaseng sports car si Addie. Kapag inaaya siya nito na mamasyal ay iyon lagi ang gamit nitong kotse kaya alam niya ang halaga ng sports car na iyon. Nang huminto sa isang malaking club si Steven ay agad niyang pinarada ang sasakyan niya sa may 'di kalayuan. Bumaba agad ang binata na agad naman sinalubong ng isang bouncer sa club na pinasukan nito. Halatang regular customer ito sa club na iyon. Nang binasa niya ang pangalan ng club ay napataas ang kilay niya. It was a VIP, high-class bar na hindi basta-basta napapasok—para lang sa mga elite. Kung gusto niyang makapasok, mahihirapan siya sa bagay na iyon lalo't kung gagamitin niya ang chapa niya. But if she will use the influence of Villareal, wala siyang magiging problema. May binigay sa kanya si Addie na isang elite-black card, ang sabi pa nito magagamit daw niya iyon sa mga lugar na mga VIP at elite na lugar para maka-access siya nang walang problema. Shey looked at herself. Dahil galing siya sa duty ay simple black shirt, jeans and combat shoes lang ang suot niya. Sa hitsura niya ay malamang na haharangin siya ng bounces sa VIP club kaya naman kinuha niya ang isang paper bag sa back seat kung saan nakalagay ang extra clothes niya sa mga ganitong pagkakataon. Agad niyang sinuot ang black sleeveless blouse na nag-compliment naman agad sa suot niyang tight jeans. Mabilis ang mga kilos ang ginawa ni Shey. Inilugay niya ang kulutang buhok, naglagay ng pressed powder at kaunting lipstick. Kinuha din niya ang handbag niya, nilagay ang maliit na service gun at tsapa niya. Nang makuntento sa simpleng ayos ay agad na lumabas si Shey mula sa sasakyan para buksan ang compartment. Nakita niya doon ang black stiletto shoes niya. Walang pagdadalawang-isip na pumasok siya sa loob ng VIP room. And as expected, agad siyang pinigilan ng bouncer. "Madam, do you have a reservation? We’re fully booked tonight." tanong ng bouncer sa kanya. Tinaasan ito ni Shey ng kilay. Mula sa shoulder bag ay inilabas niya gad ang elite black card na bigay sa kanya ni Addie. "Is this enough?" she said in a cold tone. As if the card is the magic word, umalis agad ang dalawang bouncer sa harapan niya para padaanin siya. Nilapitan ni Shey ang bouncer na humarang sa kanya sabay tingin ng malamig dito. Hawak pa din ang elite card niya ay tinapik-tapik niya ang pisngi nito. She was not even intimidated. Iyon ang gusto niyang iparamdam dito. "So?" taas ang noo na untag ni Shey dito. Tumango sa kanya ang bouncer sabay yukod. "Welcome to The Velvet Room, Madam. Hope you enjoy the night." Pinili na lang ni Shey na huwag nang sumagot at tumalikod na lang. For the first time, napakinabangan niya ang binigay sa kanya ni Addie na elite black card. Wala naman siyang balak na gamitin literal ang card na iyon dahil alam niyang magtatanong si Addie kung bakit napunta siya sa ganitong klaseng lugar. Marami na naman itong ibabato na tanong sa kanya. Agad na sumalubong kay Shey ang malakas at usong tugtugan sa loob ng VIP Club na iyon. Halos mapuno na din ang dance floor na sinsabayan ng masayang sayaw ng mga tao. Samantalang ang iba naman ay nakaupo sa mahabang upuan at sa bar stool. Kahit na medyo madilim at tanging liwanag lang na malikot an ilaw ang nasa loob ng bar ay pinilit pa din ni Shey na hanapin ang tao na pakay niya. Ngunit halos limang minuto na niyang iniikot ang mata niya sa loob ng club ay ni anino pa din ni Steven ay wala siyang nakikita. "Nasaan kana, Steven?" anas ni Shey sa sarili niya. Nang muli niyang iginala ang mata niya ay napansin niya na may mga staff na umaakyat sa second floor ng club. Doon naisip ni Shey na baka nasa second floor si Steven, nasa loob ng VIP rooms. Kaswal ang ginawa niyang pagkilos. Umakyat siya sa second floor ng club. Agad na tumambad sa kanya ang maraming VIP rooms, imposible na lahat ng kwarto na iyon ay katukin niya para lang makita niya binata. Higit sa lahat ay ayaw niyang makagawa ng eksena. Hinawakan ni Shey ang isa sa waitress na nakasalubong niya. Dumukot siya ng lilibuhin sa bulsa niya para ilagay sa bulsa nito. "Steven Miller." walang kaabog-abog na sabi niya sa waitress. "Tell me where I can find him." Binigyan na niya ito ng pera kaya wala nang dahilan pa para magpaligoy-ligoy pa siya. "Dulo, left door." Hindi na niya hinintay ang sagot nito, agad na kumilos si Shey para puntahan ang kwarto kung nasaan si Steven. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ay humugot muna siya nang malalim na hininga para payapain ang sarili niya. Hinawakan niya ang door knob sabay pihit para buksan iyon. Bumungad kay Shey ang malakas na tugtog sa loob ng VIP room. Awtomatikong na-focus ang tingin niya kay Steven na ngayon ay nakikipaghalikan sa isang babae na halos idikit na nito ang katawan sa binata. They were kissing with an intensity that felt like lovemaking already! Ilang saglit na parang natuod lang si Shey mula sa pagkakatayo sa harapan ng pinto, hawak ang doorknob nang mahigpit. Sa nakikita niya ay hindi ito ang babae na kasama ni Steven sa restaurant. Iba ang babae na ngayon ay kahalikan niya. And it irritated the hell out of her, hindi niya maipaliwanag kung bakit. Ngunit isa lang ang alam niya, doble ang kirot ang naramdaman niya sa dibdib sa nasasaksihan. Dahil abala ang dalawa sa pinagsasaluhan halik ay halos hindi man lang natinag ang mga ito sa ginagawa. Kung ibang babae siguro siya ay aalis na lang siya sa loob ng VIP room na iyon. Luhaan at nasasaktan. Pero iba siya. Hindi siya pinalaki ng Papa Mateo niya na maging duwag. Bagkus, natagpuan na lang ni Shey ang sarili niya na umupo sa harapan ng mga ito habang naghahalikan. Baliw na siguro siya dahil mas lalo pa niyang pinagmasdan kung paano halikan ni Steven ang babae na ngayon ay halos nasa kandungan na nito. Nang hindi na siya makatiis ay tinabig niya ang baso na nakapatong sa lamesa gamit ang sariling paa. Lumikha iyon nang ingay na nagpahiwalay sa dalawa tao sa harapan niya na kanina lang ay mainit na halik ang pinagsasaluhan. "God!" gulat na reaksyon ng babae sabay baling sa kanya. "Who the hell are you?" iritableng tanong nito sa kanya. Hindi sinagot ni Shey ang tanong nito. Ang mga mata lang niya ay nakatingin lang kay Steven na ngayon ay may malawak na magkakangisi habang nakatingin sa kanya. Pansin niya ang amusement sa mga mata nito. "Hey you! What the hell are you doing here? I'm going to call the security!" anas ng babae na may halong tili. "Relax, babe. Hindi mo kailangan magwala ng ganyan." nakangising sabi ni Steven na hindi siya hinihiwalayan din ng tingin. Pinunasan nito ang labi na may lipstick ng babae. "What can I do for you, gorgeous? You want to join us?" "Steven! Ano bang sinasabi mo? Sakin ka lang dapat." nakasimangot na sabi nito kay Steven. "Oh, I don't mind other companies, babe. The more the merrier." Napapalatak ang babae. Halatang ayaw nito ang presensya niya kaya ganoon na lang ang sama ng tingin na binibigay sa kanya. "Aalis ako kapag hindi mo pinaalis ang babae na iyan, Steven! I mean it!" Binalingan naman ni Steven ang babae. Halatang hindi ito affected sa banta. "Do want you want, babe. Just call me if you need me." "F*ck you, Steven!" galit na sabi ng babae sabay kuha ng shoulder bag nito. Inirapan pa siya bago padabog na lumabas at sinarado ang VIP Room. Ilng sandali ang lumipas bago magsalita si Steven na ngayon ay kampante pa din ang pagkakaupo nito sa mahabang couch. Kinuha nito ang Zippo-style lighter na nakapatong sa glass table. Hindi naman nag-sindi ng sigarilyo si Steven, nilaro-laro lang nito ang lighter sa kamay habang nakatingin lang ito diretso sa kanya. Halata sa kislap ng mga mata nito ang amusement at kuryosidad para sa kanya. Muli nitong sinadal ang likod sa upuan habang nakataas ang isang paa sa binti nito. "So, what can I do for a beautiful lady tonight?" Hindi sumagot si Shey sa tanong ni Steven kaya muling nagsalita ang binata. "Don’t tell me this is accidental. It’s not—and I won’t buy it. Hindi aksidente na nandito ka ngayon sa VIP Room kung nasaan ako ngayon." Muli nitong pinagkatitigan ang buong mukha niya. Matiim at puno ng apoy. Muli tuloy niyang naalala ang mga ganap nila ni Steven. Para payapain ang sarili niya ay kinuha niya ang isa pang baso na may laman na alak na nakapatong sa table sabay tungga. Gumihit ang mapait na lasa ng alak sa lalamunan niya. Nang maubos ang laman ng baso ay saka niya muling pinagkatitigan si Steven na para bang gusto niyang basahin ang naglalaro sa utak nito. "Don't you recognize me?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD