Ilang beses na napapailing si Shey habang pinapanood nila sa labas ng interrogation ang suspect na nahuli lang niya kanina habang nasa loob sila ng restaurant. Kasalukuyan itong tinatanong at i-ni-interrogate ng kanilang boss sa Homicide Division, si Police Lieutenant Mark Santos.
Kung 'di man sandamukal na katangahan ang ginawa ng suspect ay malamang na malabo pa niyang mahuli ito. Ngunit dahil sa pagkataranta, napaamin pa ito agad ng boss nila sa ginawa nitong krimen. Buong akala nga ni Shey ay mahihirapan pa siya sa pagmamanman sa suspect. Iyon pala ito na mismo ang kakanta sa sarili nito.
Napapalatak siya. Kahit bago pa lang siya sa kapulisan, hindi na naging bago sa kanya ang mga kasamaan na dulot mismo ng tao sa kapwa tao dulot nang labis na kasakiman, inggit, pagnanasa, poot at galit. Kaya hindi na siya nagtataka o nagugulat man lang sa mga nagagawang krimen ng mga tao. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi na siya nakakaramdam ng galit sa mga tao na gumawa ng kasalanan. Sa mga kriminal na hindi man lang nagdalawang-isip bago nila wakasan ang buhay ng isang inosenteng tao.
She hated it. She f*cking hated them.
Tulad na lang ng tao na naging dahilan kung bakit sa murang edad, ulila na siya. Ang rason kung bakit nasa ka-pulisan siya ngayon. Gusto ni Shey malutas at mahuli ang serial killer na pumatay sa buong pamilya niya. Alam niyang hindi man ngayon, darating ang panahon na siya mismo ang makakalutas ng kaso, ang makakahuli sa serial killer na matagal nang pinaghahanap ng batas.
She will make sure that she is the one who will catch the serial killer—The Black Santo. The notorious serial killer who murdered entire families known for their deep devotion to God.
Halos walong pamilya din ang pinatay ng The Black Santo. At halos lahat ng miyembro ng pamilya niyon ay walang nakaligtas. Maswerte lang si Shey sapagkat mas mabilis mag-isip ang Mama niya, agad siyang naitago para makaligtas.
And every night, she's having a nightmare. Paulit-ulit na lang sa panaginip niya ang eksenang iyon nila ng Mama niya habang humihingi ito ng tulong. It was the always the same nightmare for her. At alam niyang hanggang sa kabilang buhay, humihingi ng hustisya ang pamilya niya. Kaya gagawin lahat ni Shey para lang siya ang makahuli ng serial killer.
"Ang galing talaga natin, Nicolas!"
Narinig ni Shey na kumento ni Carlos na ngayon ay lumabas ng interrogation room kasama si Lieutenant Santos.
"Biruin mo, nahuli agad natin at napa-amin ang suspect." Nakangising sabi nito sa kanya.
Sanay na si Shey sa ugali ni Carlos, hindi naman siya apektado sa ugali nitong iyon. Ang tanging importante sa kanya ay mahuli ang kriminal at makuha ang hustisya ng naging biktima nito. The reward was meaningless to her —what mattered was that they would be put behind bars.
"Nicolas," tawag sa kanya ng boss niya. Agad siyang sumaludo dito.
"Sir."
Tumango ito sa kanya sabay tapik ng ilang beses. Halata dito na masaya ito sa nangyari. Bukod sa Papa Mateo niya, ang boss nila ang isa sa hinahangaan niya sa kapulisan. Magaling ito at makatao. Ito ang isa sa ehemplo na tinitingala niya. Alam ni Shey na daraing ang araw na gagaling pa siya sa larangan na pinili niya.
"Good job, Nicolas."
Umiling siya. "Ginawa ko lang ang trabaho ko, Lieutenant, Sir."
"I know, Nicolas. That's why I'm so proud of what you are doing in our department. Hindi ako nagkamali sa pagtanggap sa'yo sa departamentong ito." Natutuwa na tinapik-tapik ulit nito ang braso niya. "I will make sure that the chief will hear about this."
"Lieutenant!" agaw ni Carlos sa atensyon ng boss nila. "Kasama din ako? Partner ko si Nicolas!"
Binigyan lang ito nang isang malamig na tingin kaya naman agad na nag-iwas ng tingin si Carlos. Hindi mukukuha ng boss nila ang mataas na ranggo nito kung hindi ito matalino para lang magpaloko kay Carlos. Nang umalis na ito sa harapan niya ay muli siyang sumaludo.
"Siguro sinabi mo kay Boss na ikaw lang ang nakahuli sa suspect, no?" sita nito sa kanya. Masama ang binigay nitong mga tingin.
Naiiling na binalingan ni Shey si Carlos. "Wala akong sinasabi na ganyan, Carlos. Kailan ba ako nagsalita nang laban sa'yo?"
Kahit na wala man lang ito natutulong sa kanya, never siyang nagsumbong sa mga boss nila. Ayaw ni Shey ng gulo, ang gusto lang niya ay mapatunayan na hindi lang dahil sa impluwensya ng Papa Mateo niya kaya agad siyang nakapasok sa Homicide Division. Marami pa siyang gustong pataunayan sa sarili niya.
"Siguraduhin mo lang, Nicolas! Mas mataas ang ranggo ko sa'yo!" inis na anas nito na may halong pagbabanta. "Malalagot ka talaga sakin."
Pinili na lang ni Shey na huwag kumibo sa sinabi ni Carlos at umalis na sa harapan nito. Useless din naman ang pagdakdak nito sa kanya. Nang makalabas siya ng police station ay agad siyang pumunta sa parking lot para puntahan ang sasakyan niya. Hustong nasa tapat na siya nang awtomatilong napatigil siya sa pagpasok sa loob ng koste niya. Tinukod niya ang dalawang kamay sa kotse sabay pikit.
Muling lumitaw sa balintawtaw niya ang pamilyar na gwapong mukha ng lalaking ilang linggo nang nagpapagulo sa isipan niya.
Steven Miller..
Sa totoo lang kahit na busy si Shey kanina sa kriminal na nahuli niya ay hindi pa din nawawala sa isipan niya ang mukha ni Steven. Ang lalaking unang pinag-alayan niya ng katawan niya. Ang lalaki na nagparamdam sa kanya ng samo't-saring emosyon na hindi man lang niya naramdaman sa ibang tao. Malakas ang atraksyon niya dito, hindi tanga si Shey para hindi aminin ang bagay na iyon. Hindi niya magagawang ibigay ang katawan niya nang ilang ulit kung wala siyang nadaramang atraksyon dito.
Napahugot siya nang malalim na hininga nang maalala ni Shey na para bang hindi siya natatandaan man lang ni Steven. Pero imposible ang bagay na iyon dahil kahit na medyo madilim ang kwarto ay sapat iyon para maalala nila ang hitsura ng isa't-isa. Samantalang siya, nakatanim na yata sa isipan niya ang gwapo at prominenteng mukha ni Steven. Ang mukha na ilang linggo nang hindi niya makalimutan.
Wala sa sariling hinawakan ni Shey ang kulutan niyang buhok na hanggang balikat. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdam ng frustrations sa isang bagay na hindi niya kontrolado.
She needed to think.
Alam ni Shey sa sarili niya na hindi siya makukuntento na malaman lang ang pangalan ni Steven. Gusto niya ulit makausap ito. Gusto niya ulit makulong sa mga bisig nito.
"Sh*t." mahinang mura niya sa sarili.
Nagsisimula na ba siyang mabaliw?
Baka nga.. sang-ayon ng isip niya.
Mababaliw siya kung hindi siya gagawa nang paraan para muling magkita nito. Siguro naman sa susunod nilang pagkikita ni Steven, makikilala na siya nito. She really hope so. Sa ngayon, kailangan muna niyang alamin ang personal information nito. It was a piece of cake for her. Magaling siya sa pag-i-imbestiga sa isang tao, alam niyang hindi siya mahihirapan na alamin ang importanteng impormasyon ng lalaki basta alam lang niya buong pangalan nito.
Steven Miller.. muling bigkas ni Shey ng pangalan nito sa isipan niya.
Wala sa sarili na hinawakan niya ang labi niya na para bang ito ninanamnam pa din niya ang mainit na labi nito noong gabing nagniig sila. Ang mga haplos ni Steven sa balat niya na para bang mitsa ito na halos mag-init ang buong katawan niya. Mga halik nito sa katawan niya, mga kagat at mahigpit na kapit nito sa balat niya. Lahat ng iyon parang isang sirang plaka na pilit na sumisiksik sa balintawtaw niya.
Hindi pa man ay naramdaman ni Shey ang pag-iinit ng pisngi niya.
"Shey?"
Mula sa pagkakayuko ay binalingan niya ang tumawag sa kanya. Dahil pamilyar naman sa kanya ang boses ay binalingan niya agad ito.
"Addie." aniya.
"Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko. May nangyari ba?" tanong nito na bakas ang pag-aalala sa mukha.
Lagi naman nag-aalala si Addie sa kanya, lalo na kapag may mga ganitong misyon siya.
"Anong ginagawa mo dito?" imbes na sagutin ang tanong ni Addie ay siya ang nagtanong dito. Malayo kasi ang opsina ng PDEA kung saan ito ang boss ng isang iyon doon. "Out of way sa'yo ang presinto ko."
"What are you saying? Hindi ba't may dinner tayo? Don't tell me na nakalimutan mo?" kunot-noong tanong nito sa kanya. Bumakas ang tampo sa gwapong mukha ni Addie. "Lagi ka na lang nakakalimot kapag inaaya kita, Shey."
Hindi agad nakaimik si Shey sa sinabi ni Addie. Oo nga pala, nakalimutan niya na nag-aya pala ito ng dinner nilang dalawa kanina.
"Sorry, Addie. Nakalimutan ko—"
"F*ck! What happened to your legs?"
Agad na lumapit si Addie sa kanya sabay tingin ng legs niya na nasaksak ng suspect na hinahabol niya. Binalot niya lang iyon kanina ng panyo niya para umampat ang dugo.
"Nasaksak ng suspect na hinahabol ko. Mababaw lang 'to, Addie. Malayo sa bituka at hindi mo na kailangan pa na pilitin ako na ipatingin sa hospital. Mababaw lang ang sugat ko." giit niya. Kilala niya si Addie, talagang pipilitin siya nito na pumunta sa hospital para lang ipatangin siya kaya inunahan na niya ito.
Narinig ni Shey ang malakas na ungol nito. Bakas sa gwapong mukha ni Addie ang pinaghalong pag-aalala at frustration sa nangyari sa kanya. Ilang beses din itong napahugot ng malalim na hininga para siguro payapaain ang sariling emosyon.
"Ang mabuti pa, umuwi na lang tayo para magamot na agad ang sugat mo. And from the looks of it, mukhang hindi mo pa iyan nalilinisan. And I don't take no for an answer, Shey." giit nito sa kanya.
Nang makita niya ang ekspresyon ng mukha ni Addie ay bakas din ang galit sa mga mata nito.
"Let's use my car." pinal na sabi nito at pinili na lang niya na huwag kumontra.
Agad na hinila siya ni Addie, ginagap nito ang kanang kamay niya para igiya sa sasakyan nito. Naramdaman pa ni Shey ang ilang beses na pagpisil nito sa kamay niya. Nang makarating sila sa sasakyan ay agad nitong binuksan ang pintuan para i-deposito siya sa tabi nito. Ilang sandali lang ay sakay na silang dalawa para umuwi sa bahay. Tahimik lang si Addie habang seryoso na nagmamaneho. Halata na hindi pa din maganda ang mood nito kaya pinili na lang ni Shey na manahimik.
Wala pang kalahating oras ay nasa bahay na sila. Nagulat siya nang maabutan niya ang family doctor ng mga Villareal na halatang hinihintay ang pagdating nilang dalawa. Naiiling na lang si Shey. Hindi na siya dinala ni Addie sa hospital ngunit pinatawag naman nito ang doctor para lang ipatingin siya.
"We need to stitch the wound, Shey. It will take ten minutes." anas ng doctor sa kanya pagkatapos tignan ang sugat niya.
She sighed. Tumango siya sa doctor sapagkat wala naman siyang magagawa kundi sundin ang gusto nito dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Addie hangga't hindi siya nagagamot. Wala pang sampung minuto ay nilalagyan na ng doctor ng bandage ang sugat niya. Nagbigay ng instruction kung paano lilinisin ang sugat at nagbigay ng antibiotic para iwas impeksyon.
She hated taking medicine. At dahil kilala siya ni Addie, alam niyang kukulitin siya nito na inumin iyon. Sa totoo lang, mas mahigpit pa nga ito sa Papa Mateo niya.
"Akala ko ba hindi malalim ang sugat? Kailangan palang tahiin, Shey. At hinayaan mo lang ilang oras na ganyan ang sugat mo." anas ni Addie na may halong inis sa boses. Mukhang hindi pa din ito nakaka-move on sa pagkakasugat niya.
Binigyan ni Shey nang isang ngisi si Addie. "Alam mo, Addie. Daig mo pa si Papa Mateo kung mag-alala ka sa akin. Hello, I'm going nineteen. Maaga lang ako nakapagtapos dahil accelerated ako ng highschool. Hindi na ako bata, Addie. Kaya bawasan mo na ang pag-aalala mo sakin."
Sa sinabi niya ay lalong nalukot ang mukha ni Addie. "Kahit kailan hindi mawawala sa akin ang pag-aalala sa'yo, Shey. Importante ka sa akin."
"Pulis na ako, Addie. Hindi na ako batang paslit na kailangan mo bantayan lagi."
Napansin ni Shey na napatitig sa kanya si Addie. Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatigin sa kanya.
"Hindi ko alam bakit pumayag ako na maging pulis ka." anas nito sabay hugot ng malalim na hininga. "I should have pushed you to other career."
Tumaas ang kilay ni Shey. "Alam mo naman dahilan kung bakit ako nagin pulis."
"What happened, Shey?"
Sabay pa silang napatingin ni Addie nang marinig nila ang boses ni Papa Mateo nila. Mukhang nakabalik na din ito ng Manila mula sa isang bahay nito sa Negros Occidental. Doon kasi nakatira ang panganay na anak nito na si Enzo Villareal, isang kilala at magaling na painter International.
"Nasaksak siya ng suspect na hinahabol niya, Pa." sumbong ni Addie sa ama.
Tumaas ang kilay ni Papa Mateo habang pinagmmasdan siya. "Mukhang okay lang naman si Shey, Addie." Binalingan nito ang hita niya na may benda na. "Malayo sa bituka."
Natawa si Shey sa sinabi nito. Mayamaya ay kusa na siyang lumapit sa Papa Mateo niya sabay yakap ng mahigpit dito na agad naman nitong ginantihan.
"Na-miss kita, Pa. Bakit ngayon ka lang umuwi?" Halos dalawang buwan din kasi itong nanatili sa Negros.
Tinapik nito ang pisngi niya. "Mas na-miss ko ang dalaga ko. Kamusta naman ang dalawang buwan na wala ako dito?"
"Pa, lagi na lang nag-aalala si Addie sa akin. Para bang hindi ako tinuturing na pulis." sumbong ni Shey dito.
"Ano ka ba naman, Addie. Huwag mo nang ituring na bata si Shey, pulis na iyan. At gumagaling na pulis pa siya." binalingan siya ni Papa Mateo. "Tinawagan ako ng Santos, sinabi niya sa akin ang ginawa mo ngayon araw. I'm so proud of you, Anak. Malayo ang mararating mo sa pagiging magandang ehemplo ng alagad ng bata."
Awtotikong napangiti si Shey sa narinig niya mula dito. "Salamat, Pa. Maging proud ka lang sa akin. sapat ng reward sa mga nagawa ko para sa nangangailangan."
"Ang mabuti pa, mag dinner na tayo. Nagpahanda ako ng paborito mong pagkain, Shey. I-celebrate natin ang pagka-closed ng case mo."
Umiling siya. "Hindi ko sariling case iyon, Pa."
Tinapik nito ang pisngi niya. "Yours or not, it's not the case anymore. Ang mahalaga, nabigyan ng hustisya ang isang biktima."
Tumango si Shey at masuyong niyakap niya ang braso ng Papa Mateo niya. "Thank you, Pa." Binalingan niya si Addie na ngayon ay nakasimangot na nakatingin sa kanilang dalawa. "Saka, sabihan mo si Addie, Pa. Huwag niya ako masyadong bantayan, kaya hindi ako naliligawan, eh." biro niya na lalong nalukot ang mukha ni Addie sa sinabi niya. Halatang hindi maganda sa pandinig nito ang sinabi niya.
Tumingin naman si Papa Mateo sa anak sabay iling. Mayamaya ay siya naman ang binalingan nito sabay tapik sa pisngi niya.
"Isumbong mo sakin agad kapag may binugbog na manliligaw mo si Addie, Shey. Kasama ako sa bubugbog doon sa lalaki."
Natawa siya nang malakas sa sinabi nito. "Si Papa talaga. Akala ko ba malaki na ako?"
"Aba, ikaw pa din ang prinsesa ko. Hindi ako papayag na masaktan ka."
Nagpakawala siya nang isang genuine na ngiti sa sinabi nito. Kahit naman na hindi sila magkadugo at hindi siya legal na inampon ni Papa Mateo niya ay hindi nito pinaramdam na outcast siya sa pamilya nito. Kaya mahal na mahal niya ito.
"Talaga! Hindi ako papayag na may manligaw sa'yo, Shey. Baka barilin ko sila." banta pa ni Addie sa kanya.
"Baliw ka, Addie. Bibig mo."
Nagkibit-balikat si Addie. Para bang seryoso talaga ito sa binitawang salita nito.
"Nagsasabi lang ako ng totoo, Shey."
Napipilin si Shey sa sinabi nito. Sinundan lang niya ng tingin si Addie na ngayon ay prenteng nakaupo sa silya nito at nakatingin lang sa kanya. Marami siyang nababasang emosyon sa mga mata nito. Hindi na lamang niya iyon pinansin.
Naiiling na umupo na lang siya sa tabi ni Addie. Naging masaya naman ang kwentuhan nilang tatlo na para bang naging dahilan para mabuhay ulit ang bahay. Ilang oras lang ay umakyat na si Shey sa kwarto niya.
Sa totoo lang, kanina pa niya gustong umakyat sa kwarto niya para simulan niya ang pagkuha ng ilang mahahalagang impormasyon tungkol kay Steven Miller. Sinumulan niya mag-research tungkol sa lalaki. Awtomatiko naman napataas ang kilay niya nang wala siyang kahit na anong nakuhang impormasyon sa lalaki. Kahit ang personal number nito ay hindi niya nakuha. Tanging ang address lang nang opisina nito sa Mandaluyong ang nakalap lang niya.
Mukhang kailangan niyang mag-dig deeper pa para lang makuha niya ang gusto niya. Hindi bale, bukas na bukas din ay kikilos siya para makuha ang iba pang impormasyon dito.
Ibinagsak ni Shey ang sarili niya sa kama habang nakatitig lang siya sa puting kisame. Hindi siya susuko hangga't hindi siya nakikilala ni Steven.
Hindi pwede maulit ulit ang kaninang pagkikita nilang dalawa na hindi man lang siya nito nakilala. Sisiguraduhin ni Shey ang bagay na iyon. Napahawak siya sa dibdib niya nang maalala niya ang babae na kasama nito sa restaurant.
Tanda pa niya ang mukha ng babae, maganda at sopistikada. Malayong-malayo siya kung i-ku-kumpara dito. Naramdaman niya ang pamilyar na kirot sa dibdib niya.
Mariin napapikit si Shey.
Steven Miller..
Ulit ng isipan niya.
"Steven.."
Muling bigkas niya sa pangalan nito. Masarap sa pandinig niya ang pangalan ng lalaki.