Chapter 5

3032 Words
"Nicolas!" Kulang na lang ay mapapitlag si Shey nang bigla siyang tawagin ni Carlos, isa sa kasamahan niya sa unit ng Homicide Division. "Anong nangyayari sa’yo? Ilang linggo ka nang tulala." sita nito sa kanya habang initsa sa lamesa niya ang isang folder. "May problema ka ba?" Umiling si Shey kay Carlos. Nauna ito sa kanya ng tatlong taon sa departamento nila kaya naman siya lagi ang inuutusan nito kapag may mga field works sila. "Wala, okay lang ako." maikling sagot niya dito. Tinitigan lang siya nito na halatang hindi naniniwala sa kanya. "Buntis ka ba?" Awtomatikong napadiresto ng upo si Shey sa tinuran nito. "Hindi, ah! Sobrang dumi ng isip mo," Naiiling na ani niya dito. Buntis? What the hell! Ngisi lang ang sinagot nito sa kanya. "Ninong ako, Nicolas." Sinamaan niya ito ng tingin. "Tigilan mo ako, Carlos. Baka bigla kong makalimutan ang ranggo mo." banta niya dito. Police Corporal pa lang siya dahil bago palang samantalang ito ay Staff Sergeant na. Humalaklak naman ito, ni hindi natinag sa banta niya. "Siya nga pala, may pinapagawa sa atin si Chief. May kailangan tayong bantayan na hinihinalang suspect sa may Pasong Tamo. Nasa folder sa harapan mo ang ibang impormasyon." Kapag sinabi nito ang katagang 'sa atin' ay ibig sabihin siya lang ang kikilos lahat. Siya ang magmamantyag, siya ang kukuha ng mga ebidensya, siya ang kakausap sa mga testigo at ito naman ay gagawa lang ng report para ipaalam sa Lieutenant at Chief nila. Wala naman problema sa kanya ang bagay na iyon, mas gusto nga niyang solo lang siya kapag may kaso silang iniimbestigahan. Para kasi kay Shey ay mas makakakilos pa siya at makakagawa ng sariling diskarte kapag mag-isa lang siya. Sinumulan nang basahin ni Shey ang impormasyon na nasa folder. Isa iyong case sa pagpatay at pag-rape sa isang dalagita na natagpuan ang katawan na nakasilid sa isang container, iniwan lang sa tabing ilong. May mga leads naman na nakuha ayon sa report, ang kailangan lang niyang gawin ay bantayan ang hinihinalang suspect sa pagpatay. O sa madaling salita ay kumuha pa ng sapat na ebidensya na magdidiin sa suspect. Pagkatapos basahin ay tumayo na si Shey mula sa lamesa niya. Kinalap na niya ang mga gamit niya tulad ng tsapa, baril at jacket. Kapag may mga kailangan silang manmanan ay hindi na sila nag-uniporme. Tulad ngayon. "Oh, aalis kana agad?" ngingisi-ngising tanong pa sa kanya ni Carlos. "Hindi mo man lang ako isasama? Hindi ka mag-aaya? Baka naman may date ka sa ama ng batang dinadala mo?" Minabuti na lang ni Shey na huwag nang matulan ito kahit na inis na siya. Isa din kasi si Carlos sa mga tao na nagsasabi sa kanya na malakas ang kapit niya sa 'taas' kaya pagka-graduate niya sa PNP ay nakapasok na agad siya sa Homicide Division. "Hindi na, baka madapa ka pa kapag hinabol ka pa ng panaksak." Nawala naman ang ngisi nito sa sinabi niya. May katabaan kasi si Carlos, kaya sigurado si Shey na hindi agad ito makakatakbo ng mabilis. Hindi na niya hinintay pa na maka-rebut ang kasamahan niya, mabilis siyang lumabas ng building nila para pumunta sa Pasong Tamo. Agad na sumakay si Shey sa lumang Toyota Sedan niya na minana pa niya sa yumaong ama. Habang nagmamaneho ay hindi maiwasan ulit ni Shey na muling maalala ang pangyayari sa kanya sa Eclipse Palace. Two weeks had passed, and she still hadn’t received a single call from him. Hindi man ba siya nito naalalang tawagan? Hindi ba nito nakita ang note niya na iniwan? O mas tama bang isipin niyang hindi talaga siya nito pinag-aksayahan kamustahin man lang sa kabila ng ilang beses na pang-akin nito sa kanya? Muli napabuntong-hininga si Shey. Ilang linggo na din siyang hindi makapag-concentrate sa trabaho kaya nga lagi siyang nahuhuli ni Carlos na napapatulala na lang sa isang tabi. Aminado naman siyang malaki talaga ang epekto sa kanya ng lalaki. Gusto niya itong makita ulit. Gusto niyang muling magpa-angkin dito. Sa naisip ay para naman tukso na muling lumitaw sa balintawtaw niya ang gwapong mukha ng lalaki habang mainit na inaangkin siya nito. Hanggang ngayon, ramdam niya ang maiinit na hawak nito sa balat niya at malinaw pa rin sa isipan niya ang baritonong tinig ng lalaki na masarap sa pandinig. She wanted to see him again. But how? Dalawang linggo na siyang naghihintay sa tawag nito. At aaminin niyang tanga siya na until now, hinihintay pa rin niya na tawagan siya ng lalaki. Umaasa pa rin siya. Hindi naman siguro masama ang bagay na iyon, hindi ba? Tutal, ito naman ang nakauna sa kanya. Ang lahat sa kanya. Bumundol sa kaba ang dibdib ni Shey nang tumunog ang cellphone niya. Kahit na nagmamanedo ay tinignan niya kung sino ang caller niya. Napailing na lamang siya nang makita na si Addie ang tumatawag. Sinagot naman niya ang tawag nito. "Addie," agad niyang sabi pagkasagot ng tawag. "Where are you, Shey?" Narinig niya ang malambing na tinig nito sa kabilang linya. Ganyan naman lagi makipag-usap sa kanya si Addie, lagi itong malambing. Marahil ay halos isang dekada na silang magkasama sa iisang bahay lang at magkapatid na ang turingan nila. "Papunta ako sa Pasong Tamo, Addie. Mayroon binigay na bagong case samin si Chief." paliwanag niya dito. "I'm sure, mag-isa ka na naman pupunta sa site." "Wala naman problema doon, Addie. Alam mong. mas gusto ko na ako lang mag-isa kapag may binabantayan akong suspect." Napabuntong-hininga ito sa kabilang linya. Sa umpisa pa lang ay tutol ito sa pagiging pulis niya ngunit wala na din itong nagawa sa gusto niya. Matagal na niyang plano na maging alagad ng batas, hindi lang para makatulong sa iba kundi para mahuli ang tao na pumatay sa pamilya niya. "Hindi ka dapat nag-iisa sa ganyan kaso, Addie. Dapat lagi kang may kasama," giit ni Addie sa kabilang linya. Kahit hindi naman niya sabihin ang nangyayari sa kanya sa loob ng Homicide Division ay alam niyang minamatyagan pa rin siya nito. "I'm good, I'm okay." giit niya dito. "Hindi kana dapat nag-aalala pa sakin, malaki na ako. Pulis na ako, Addie." anas niya na pina-seryoso ang boses niya. She heard him sighed. Mayamaya ay nagsalita ulit ito. "Mag-iingat ka, Shey. Call me when something happens, okay?" "Okay. Bakit ka pala napatawag?" "Let's have a dinner together." "Okay. Let me know where. Kasama si Papa?" tanong niya. Hindi agad nakasagot si Addie sa tanong niya. "No, only the two of us." Tumango siya kahit na hindi nito iyon nakikita. "Okay, Addie. See you." anas niya sabay baba ng tawag dito. Ilang sandali lang ay nakapunta na siya sa Pasong Tamo para subaybayan ang hinihinalang nilang suspect sa pagkapatay sa isang dalagita. Palihim niyang sinubaybayan ang bawat pagkilos, kung saan ito ang pupunta at kung ano ang mga aktibidades nito. Ang kailangan lang niyang gawin ay kumuha ng sapat na ebidensya para maidiin na ito sa kaso. Halos limang oras din siyang namalagi sa labas ng tinutuluyan nitong bahay. Mukhang kailangan niyang humingi ng tulong sa Papa Mateo niya para bigyan siya nito ng gabay kung ano ang magandang gawin sa kaso na binigay sa kanya. Nang mapansin ni Shey na lalabas ang hinihinalang suspect ay sinundan niya ang sasakyan nito nang buong pag-iingat. Mahirap nang mahalata dahil baka armado ito. Huminto ang kotse nito sa isang restaurant na malapit sa Makati din. Mukhang may katatagpuin ang lalaki. Ngunit ganoon na lamang ang kabog ng dibdib ni Shey nang may pamilyar siyang nahagip. Ang tao na gustong-gusto niyang makausap ay papasok ngayon sa restaurant kung saan pumasok ang minamatyagan niya! Mula sa nakaparadang sasakyan niya ay agad siyang lumabas para mas matignan pa ang lalaki. Agad na tinanggal ni Shey ang suot na cap. Gusto niyang kumpirmahin kung ito ba talaga ang taong ilang linggo nang bumabagabag sa buong pagkatao niya. Wala nang pakialam si Shey kung masira ang trabaho niya. Ang gusto lang niya ay makausap ang lalaki. Hindi ba't iyon naman ang gusto niya? Malalaki ang hakbang ang ginawa ni Shey para makalapit agad dito. Nang ilang hakbang na lang ang pagitan nilang dalawa ay doon niya mas nakita ang gwapong mukha nito. At mas aaminin niya na mas matindi ang dating sa kanya nito kumpara sa unang pagkikita nilang dalawa. Nakaramdam siya nang labis na excitement. Siguro naman natatandaan pa siya nito sapagkat hindi naman madilim ang buong kwarto habang inaangkin siya nito. Siya nga, kahit nakapikit ay tanda niya pa rin ang mukha ng lalaki. Alam niya at sigurado si Shey na matatandaan agad siya nito once na makita siya. Naka-suot ito ng puting long-sleeve na nakataas hanggang siko, binagayan ng itim na trousers na bumabagay sa maganda nitong tindig. Hinayaan din nitong nakalugay ang itim na itim at kulutan nitong buhok na umabot lang hanggang balikat nito. He looks expensive. Halata na may sinasabi ang lalaki ito. Ilang beses na napalunok si Shey habang nakatitig dito. Habang papalapit siya ay mas lalong tumatambol nang husto ang dibdib niya. "Steven!" Napalingon si Shey nang marinig ang malakas at malamyos na boses. Pareho pa silang napalingon sa tumawag. Steven? Iyon ba ang pangalan nito? Awtomatikong napahinto si Shey nang makita niya hinalikan ni Steven sa lips ang babae na tumawag dito. Hinalikan nito ang babae, ibig sabihin may ka-relasyon na ba ito? Kasintahan? Asawa? Agad na napahawak si Shey sa dibdib niya. She felt her chest tighten. Natural lang ba na makaramdam siya nang ganoon? Wala sa sarili na napahawak siya sa dibdib niya. Ang kanina na excitement na nararamdaman niya ay agad na napalitan nang kakaibang kirot sa naisip. Kitang-kita sa kislap ng mga mata ni Steven ang labis na paghanga nito sa babaeng kaharap. Bakit nga ba hindi? Maganda, sexy at halatang sopistikada iyon. "Cynths, how are you?" nakangiting tanong ni Steven sa babae na tinawag nitong Cynths. Ngumiti naman ito nang matamis saka yumakap sa braso ni Steven. "I miss you, Honey!" Hindi na narinig ni Shey ang sagot ni Steven dahil binulong ni Steven ang sagot nito na ikinatawa nang malakas ng babae. Hindi naman tanga si Shey para hindi isipin na may relasyon ang dalawa. Nakatingin lang siya habang papasok ang mga ito sa loob ng restaurant. Habang siya ay parang tuod na nakatayo lang. Ano ba ang dapat niyang gawin? Napaungol siya. Napapikit nang mariin si Shey. Sa pagpikit niya ay para naman nananadya na lumitaw sa balintawtaw niya kung paano siya halikan ni Steven. Kung paano siya nito ilang beses na inangkin nang walang sawa. Nang idilat niya ang mga mata niya ay isang desisyon ang nabuo niya. Titiyakin ni Shey na hindi matatapos ang araw na ito hindi niya magagawang makausap si Steven. Kaya naman agad niyang sinundan ito sa loob ng restaurant. "Madam, do we have reservation?" tanong sa kanya ng receptionist. Hindi na pinag-aksayahan ni Shey na tignan ito, bagkus ay inilabas niya ang tsapa niya kaya madali siyang nakapasok. Nang muli niyang ginala ang tingin niya sa loob ng restaurant na agad naman nag-lock ang mata niya kay Steven at sa kasamang babae nito. Hindi na naman gusto ni Shey ang nararamdaman habang pinagmamasdan ang dalawa na sobrang sweet sa isa't-isa. Halos hindi na nga maghiwalay ang mga katawan nito. It made her feel sick and nauseous. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaramdaman ng ganoon. At nalilito pa siya kung bakit ganito na lang ang nagiging reaksyon niya kay Steven. Sa loob lang nang maikling panahon, ang dami na nitong binuhay na emosyon sa buong pagkatao niya. Umupo si Shey sa table na alam niyang mapagmamasdan niya si Steven. "Ma’am, I’m sorry, but this seat is already reserved." Tulad nang receptionist ay hindi niya man lang tinignan ang waiter na nag-approached sa kanya. Muling inilabas ni Shey ang tsapa niya nang mabilis. "Bigay mo sa akin ang full name ng guest niyo na iyan." anas niya habang nakatingin pa rin kay Steven. "Madam?" takang tanong nito sa kanya. Halatang kinabahan nang pinakita niya ang tsapa niya. Nang hindi ito kumibo ay doon lang niya binalingan ang waiter na nasa harapan niya. She gave her the look she used when interrogating a suspect —a stare that could make anyone uneasy and intimidate. Dahil sa ginawa niya ay napapalunok ito ng ilang beses. "Do I need to repeat myself?" malamig na tonong tanong niya dito. Blangko ang mga mata at walang ngiti. "For a while, Madam. I'll get what you need." anito na natataranta pa. Habang hinihintay niya ang impormasyon na galing sa waiter ay tinutoktok niya ang daliri sa lamesa. Hindi pa rin niya nilulubayan nang tingin si Steven. Aaminin niya, ibang-iba ang Steven na nakikita niya ng mga oras na iyon sa lalaki na nakaulayaw niya. Punong-puno ito nang halakhak at saya habang nakikipag-usap kasama nito. Samantalang nang gabi na una niya itong nakasama ay masyado itong marahas, walang ngiti at laging nakatagis ang mga bagang. Awtomatikong napatuwid ang likod ni Shey nang makita niyang tumayo si Steven. Kung pupunta ito sa restroom, iyon na ang pagkakataon para makausap niya ang lalaki. Walang inaksyang oras si Shey, agad niyang sinundan si Steven habang naglalakad ito papunta sa restroom. Natuon ang paningin niya sa mapalad at matigas nitong likod. Tanda pa ni Shey kung paano niya kinagat at kung paano bumaon ang mga kuko niya sa likod at balikat nito. For sure, makikita nito ang mga bakas niya noong umaga na nagising ito. Hindi na naman niya mapigilan na mapalunok. Kailangan pa ba niyang ikaila sa sarili niya na gusto niya ulit makulong sa bisig nito? Nang makapasok si Steven sa loob ng restroom ay binanuti na lang ni Shey na mag-abang sa tapat ng pinto. For sure, kapag nakita siya nito ay makikilala siya agad ni Steven. Sinandal ni Shey ang likod sa pader na nakaharap sa restroom. Five minutes. Halos limang minuto din tinagol ni Steven sa loob niyon. Feeling tuloy ni Shey ay iyon na ang pinakamatagal na limang minuto ng buhay niya. Nang mapansin niya na bumakas ang pintuan, kasabay niyon ang pagkabog ng dibdib niya. Iniharang niya ang katawan sa daraaan nito. Tulad nang una niyang nakaharap si Steven ay nanliit na naman siya sa sobrang tangkad ng lalaking ito. Binalingan niya ang mukha ng lalaki na hindi man lang siya nagawang tignan man lang. Para ba siyang isang ordinaryong tao na hindi nito kilala, at parang bagay na hindi importante dito. Isan lang siyang estranghero para dito. Wala din siyang nakikitang kahit na anong emosyon sa mga mata ni Steven. Napipilan si Shey. Bakit ganito sa kanya ang lalaki? Hindi ba siya nito natatandaan? Pero malabo! Nang dumaan sa tabi niya si Steven ay awtomatikong napapikit si Shey. Pamilyar na pamilyar talaga sa kanya ang kakaibang bango nito na halos magpanginig ng tuhod niya. Hindi agad nakakilos si Shey para sana kausapin na sana ito. Nang mahimasmasan ay agad na sana niyang susundan si Steven nang humarang sa kanya ang waiter na kanina lang ay kausap niya. "Madam, nandito na po ang information na kailangan niyo." Napaungol na lang si Shey sa nangyari. Ngunit binalingan na lang niya ito. "What's his name?" "Steven Miller." Tumango si Shey dito. Steven Miller. Ang unang lalaki na pinag-alayan niya ng katawan niya. Ang unang lalaki din na naging dahilan kung bakit ilang linggo na siyang mabalisa. Malalim na napabuntong-hininga si Shey. Kailangan na niya talaga itong makausap. By hook and by crook. Hindi siya ang klase ng tao na basta na lang susuko. Nang muli siyang papunta sa table nito ay nagkatitigan sila ng suspect na kanina pa niya sinusundan. Halatang nagulat ito nang matama ang mga mata nila. Bumaba ang tingin nito sa tsapa na nakalawit pala sa bulsa niya. Pinagpawisan ito bigla. Doon ay napaungol si Shey at lihim na napamura. Tiyak niyang sira na naman ang diskarte niya at nakilala na siya nito. Nang akala mismo ng suspect ay lalapit siya dito ay dinampot nito ang baso na nasa lamesa sabay bato sa kanya. Dahil mabilis ang reflexes ay nasangga niya agad ng braso. Tumama iyon sa braso niya at doon nabasag. Napasinghap naman ang ibang mga guests habang nakatingin sa kanya. Masama niyang tinignan ang suspect na ngayon ay nagmamadaling tumayo para lumabas ng restaurant. Halos lahat nang mapulot nitong gamit binabato sa kanya. Pinggan, baso, napkin pati utensil. Nang nasa tabi na siya nang table ni Steven ay nawala na naman si Shey sa focus. Malakas siyang napamura nang damputin nito ang knife para ibato papunta sa kanya dahilan para tumusok ang kutsilyo sa binti niya at bumaon doon. "Sh*t!" malakas na mura niya habang hawak ang kutsilyo na nasa hita. Hindi naman masyadong malalim iyon kaya agad niya hinugot. Narinig pa niya ang malakas na pagsinghap ng mga guests, halatang nag-aalala at natatakot sa nangyari. "Poor girl! She's bleeding!" "Call the police!" Muli siyang napamura. Sinundan agad ni Shey ang suspect na ngayon ay nagmamadaling lumabas na ngunit naharang naman agad ng guard. Mabilis at sigurado ang mga hakbang ni Shey. Para siyang kidlat na nakarating agad sa kinaroroonan ng suspect na ngayon ay nakikipag-pambuno sa guard. Hinawakan niya nang mariin ang isang braso nito saka pinilipit nang husto. Nagawa pa ni Shey na palihim na sikmuraan ito nang malakas na kinaigik ng lalaki. "You're under arrest—" "Hindi ako ang pumatay!" Napaungol si Shey. "You assaulted a police officer. " Kinuha niya ang posas na nasa likod niya. "Direct assault at physical injuries." Binulungan niya ito. "You idiot. Dahil sa katangahan mo, makukulong ka agad." Bumakas ang takot sa mga mata nito dahil sa sinabi niya. "Aamin na ako!" Tinulak ni Shey ang lalaki papalabas ng restaurant. Kailangan muna niyang ikulong muna sa sasakyan niya ito. Tatawag muna siya ng backup sa pinakamalapit na presinto para i-pick up ito ng mobile. "Kahit hindi ka umamin, mabubulok ka pa rin sa bilangguan!" anas niya dito. Patulak na diniposito niya ang suspect sa loob ng sasakyan niya. Binigyan niya muna ito ng isang malakas na sipa sa balakang bago isara ang pinto. Habang tumatawag si Shey sa presinto ay nakatingin pa rin siya sa restaurant kung saan nasa loob pa rin si Steven. Sisiguraduhin niyang magkikita pa rin sila nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD