Masakit ang ulo ni Steven pagkagising niya. He couldn’t sleep , and he knows why. Hindi mawala sa isipan niya si Shey ng buong gabi. Ang babaeng iyon ang nasa isipan niya na kahit na anong pilit na hindi isipin ay lagi itong pumapasok sa isipan niya. Para siyang tanga, pabalik-balik sa higaan niya. Tatayo o hihiga sa kama hanggang sa inabutan na siya ng sikat ng araw. Mabuti na lang kahit isang oras ay naipikit niya ang mata. Muli hinawakan Steven ang labi niyang hanggang ngayon ay may sugat pa din dahil sa pagkakagat ni Shey. Ramdam pa din ni Steven ang malambot at mainit na labi nito na para bang kahit ilang ulit na halikan ay alam niya sa sarili niyang hindi siya magsasawa. Ganoon kaya ang pakiramdam kapag muli niyang sinakop ang labi ni Shey? Masarap pa din kaya? Sa naisip ay n

