"Boss, tignan mo 'to." Binalingan ni Shey si Mike na may hawak na isang larawan ng establisment kung saan huling nakita sa CCTV ang biktima na case na nahawakan lang niya nang nakaraan. Pinakita ni Mike sa kanya ang logo ng establishment na iyon. "Hindi ba't ito ang nakita mo na tattoo sa gilid ng tenga ng biktima?" Napatingin si Shey sa logo ng establishment na iyon. Isang book store and cofee shop iyon sa Pasig. Ang sinasabi ni Mike na logo ay tatlong dot sa ilalim ng brand logo ng establisment. Napatitig si Shey sa larawan na hawak ni Mike saka dinala iyon sa murder board niya nasa loob ng opisina niya — pinagdikit niya iyon. Tama si Mike. Parehong-pareho iyon sa tattoo ng biktima niya. "It maybe coincidence, Mike. Maraming ganitong logo." Saglit na nag-isip si Mike. Mayamaya ay

