PANIMULA
PANIMULA
Babala:
Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless.
*****
What happened?
"HINDI SYA MARUNONG MAG-DRIVE!"
Umalingawngaw sa tenga ko ang mga salitang iyon at boses. Boses ng lalake.
Sino siya?
"Ask her when she wakes up." Mas malalim na male voice iyon.
Ako ba yung pinag-uusapan nila?
Pero imbis na magising ay lalo lang akong nahulog sa malalim na kawalan at kadiliman. Nakatulog ako. Matagal at tahimik.
*****
"You lost control of the car and bump in a post. That's what."
Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ang ngiti niya.
"I am glad you're okay Rein. I'm so glad."
Huminga ako nang malalim at sumulyap sa paligid.
Puting pader sa kanang side ko habang sa kabilang side ay may nakatabing na kulay blue-green na tela. Naaamoy ko sa paligid ang matapang na amoy ng alcohol at pinaghalo halong mga gamot. Nakakahilo.
Muli akong huminga ng malalim.
"I don't remember." Tumitig ako sa mukha niya. "Bakit wala akong maalala na kahit ano?"
Saglit siyang natigilan at nag-isip. Mayamaya'y nagkibit balikat siya. "Maybe because of the accident. Don't worry. Ma-reregain mo rin ang alaala mo."
"Ganun ba?" Tumango ako ng mahina. "Gu-gusto ko ng umuwi. Pwede na ba tayong umalis?"
"Yah. Pwede na." Marahan siyang tumayo sa kinauupuan at pumunta sa gilid ko. Inilahad niya sa akin ang kamay niya at agad ko naman iyong tinanggap.
Marahan niya akong inalalayan na makaalis sa kama hanggang makatayo ng maayos. May matinding sakit na biglang sumigid sa ulo ko pero tiniis ko nang wag iyong pansinin.
Ayoko ng amoy ng ospital. Gusto ko ng umuwi.
I was a bit suprise to see na nakadress ako. Isang puting dress na parang pangkasal.
"Let's go." Aniya at marahan na akong inalalayan na makalakad.
Huminto muna kami sa may counter ng ospital bago tuluyang idinis-charge. Ilang sandali lang ay lulan na kami ng kotse niya at binabagtas ang empty na kalsada.
"Saan nga ba tayo galing?"
"We --" sumulyap siya sa akin. "We attended an engagement party."
"Kaya ba nakadress ako ng ganito?" Nakita ko pa iyong ilang bakas ng dugo sa suot kong puting dress. Mild lang naman ang naging accident. Nauntog siguro ang ulo ko somewhere and it still hurts bigtime.
"Yah." Tango niya ng mahina at bumuntung hininga.
"Ang naalala ko, dapat ay papunta tayong Isla Catalina, right? Hindi ba natuloy?"
"Hah?" Halata ang gulat niya sa sinabi ko.
Kumunot ang noo ko. Nagsalubong ang mga kilay. "Di ba? Iyong competition? Ako yung magko-cover nun?"
"Ah--" napabuga siya ng hangin. Hindi agad umimik.
Nabasa ko sa mukha niya ang pagkalito kaya umatras ako at naupo na lang ng maayos. "Nevermind. I'll just ask Sir Mike."
"Nabago na ang assignment mo Rein. Hindi mo naaalala?"
Gulat akong napalingon. "Talaga?"
"Yah. Hi-hindi ka na sa Isla na-assign at si Andy na yung ipinadala doon. That was already done. Nakapagpublish na kayo ni Marlyn ng book at nasa market na yun. Isa sa best selling na book. You are promoted as new travel writer at naghahanda na tayo para sa pag-alis."
Biglang nabuhay ang pakiramdam ko. Kanina feeling lost talaga ako pero dahil sa sinabi niya nagising ang diwa ko at excitement.
"Talaga? Talaga ba?" Namilog ang mga mata ko sa tuwa at kamanghaan.
"Oo."
"Wow!" Tuwang bulalas ko. "Pangarap ko yun ah."
"I know."
I inhaled deep.
Bakit parang may kakaiba akong nararamdaman? Parang..... ewan.
"Well, excited sana akong makarating ng Isla Catalina pero mas excited akong makarating sa mas malayong lugar. At-- Aww!" napahinto ako dahil biglang sumakit ang sugat ko sa ulo.
"Okay ka lang?" Nag-alala agad siya.
"I'm fine." At pilit ngumiti. "I'm fine Renz. Salamat nga pala sa pag-save mo sa kin may accident."
"O-okay lang." Malalim siyang bumuntung hininga.
"Hindi ko talaga maalala kung anong nangyari." Mahinang anas ko.
"I'll tell you everything." Saka lumunok. "Sasabihin ko sayo ang mga nakalimutan mo."
Tumango ako ng mahina at ngumiti.
*****