Page 58 No! ***** "Naayos ko na yung itinerary for the shoot." May kumatok sa working table ko kaya agad akong nag-angat ng tingin. Hindi ko namalayan na may tao na pala sa tabi ko. At si Mona iyon. "Ahh... Ano yun?" "Ano bang ginagawa mo?" Curious niyang tanong. "Nirereview ko lang itong script." Pilit akong ngumiti. "Okay. The script was good." Nakangiting aniya. "Syangapala. Wag kang mawawala sa event mamaya. Sa hotel yun. Sumabay ka na sa amin kung gusto mo." "Ahm. Sige." Tango. Mahina niya akong tinapik sa balikat at nginitian uli. Sumabay ako sa kanila sa pagpaunta sa event. Press conference iyon. Wala naman sana akong balak magpunta pero dahil kinausap ako ni Mona, wala akong choice. The event was held sa Ma

