Page 53 Frustrating ***** Nagbago ang music ng paligid at sumabog sa pandinig ko ang isang mabilis na ritmo ng musika. Nakaka-enganyong sumayaw. O dahil medyo lasing na ako? Hindi ko na kasi alam kung ilan ang naubos kong inumin. Kanina ayaw kong sumayaw, ayaw ko pa rin ngayon pero kailangan kong makaalis sa nakakairitang sitwasyon na ito. Ahh.... tumingin ako ng pailalim kay Trisha. She was talking with Andrew uli. Bakit ba ako apektado masyado? Di ba ako yung nagdala nito sa sarili ko? Ang hirap lang kasi sa akin ugali ko yatang ma-attached sa feelings nang matagal na panahon. Tipong wala na nga, naghihintay pa. Gumapang ang kirot sa sistema ko. Nag-init din ang sulok ng mga mata ko. Kainis! Makalayo nga dito!! Walang salitan

