Page 14 Indispensable ***** "Sh*t!" Nanlaki ang mga mata ko at natuptop ang sarili kong mga labi sa bigla kong reaction. Hindi ko din inaasahan ang reaction na yun. Sobrang na-shock yata ako. Bahadyang dumilim ang mukha niya. "What's with the reaction?" Natigilan ako at dahandahan na inalis ang kamay ko sa aking bibig. Nangangatog ako. Bahadya namang nagdilim ang mukha niya. Biglang tumunog iyong rice cooker tanda ng pagkaluto niyon. Napapitlag ako sa kinauupuan. "Luto na! Luto na yung kanin!" Umiwas ako nang tingin sa kanya at napakamot ng batok. Aray hah. Sobrang na-shock ako dun hah. Lihim akong napabuga ng hangin. Tumalikod mula sa akin si Andrew at tinignan iyong niluluto niya. Naging abala siya sa pagtitimpla nun at ako naman ay

