Page 45 Long time no see ***** Kahit sinabi ko na huwag siyang tumawag o mag-text hindi niya ako tinigilan sa una at pangalawang week. I know how Andrew can be so persistent pero buo na ang loob ko. Ayokong bawiin ang sarili kong desisyon. If I would have to live alone forever so be it. Hindi ko siya pwedeng idrag sa kamalasan ko ng panghabambuhay. Right? Lumipas ang araw na parang walang nangyari. Sa tingin ko ay ganun lang talaga ang buhay. After naming maghiwalay ni Andrew... We didn't see each other again. Maliban na lamang noong Anniversary party ng MEGC. I was there. I need to attend syempre dahil naroon ang pinagtrabahuan namin na coffee magazine and the event was so successful. Nakita ko siya pero hindi ko alam kung nakita niya ba ako. Hind

