Page 47 Madame ***** Hindi ako nakaalis sa pwesto ko dahil nanatili akong nakatingin sa isang partikular na tao. Feeling ko, umaakyat ang dugo sa litid ko papunta sa utak ko at nagpaikot ikot.... at kinikilabutan ako. Napakuyom ako ng kamay pero itinago ko iyon sa likod para pigilan. "Nakilala mo pa siya?" Bulong lang ni Andy sa akin. Halos himdi ko namalayan na nasa tabi ko na siya. Tsk. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin mula dun sa babae. Tumikhim ako. "Bakit nandito siya?" "Bakit hindi? Asawa siya ng first heir." Sagot ni Andy. Hinawakan niya ako sa braso at sabay kaming naglakad paalis. "Naging close kayo during Bride Search." Mapait akong ngumiti. "Akala mo ba naging close kami? Akala ko din eh." Sandali akong tinitig

