Page 42 You lie ***** Now i am left with Andrew again. Pagkatapos ng commotion sa office niya i don't think may lakas pa ako para harapin siya. Hindi ko na nga rin alam ang sasabihin ko. Huminga ako ng malalim. Imbis na nakatayo na ako at aalis na ay hindi ko na nagawa. Naunahan na naman ako ng kaba. Nanatili ako sa kinauupuan. Mahigpit kong yakap ang bag ko at doon ko na ibinabaling ang pinipigil kong emosyon. Halo halong emosyon na hindi ko maintindihan kung paano ko naiko-contain sa dibdib ko. I tried to keep myself blank. Ayokong makita niya akong umiyak, na naman. No. I won't cry. Kapag umiyak na naman ako sa harap niya God knows he won't let me go. Kaya iniiwas ko ang aking mga mata. Hindi ko siya tinignan. Naupo siya sa swivel chai

