Page 38 Akin ka lang ***** Masyado akong busy nang mga sumunod na araw. Hindi ako tinatawagan ni Renz o kahit text ay wala. Parang... ganun na lang. Siguro nasanay na ako na ganun. Ilang linggo na siyang malamig sa akin bago pa man iyong pag-uusap namin nung nakaraang gabi. Pakiramdam ko, seryoso siya nang sabihin niyang wala na kami. Seryoso siya na tapos na ang relasyon namin. After kong pagsikapan na i-save ang relasyon namin yun lang ang isasagot niya sa effort ko. Unfair. Still, nag-aalala pa rin ako sa kanya. Kaya nagte-text at nagtatanong pa rin ako kay Niña sa kalagayan ng kuya niya. Kung hindi na ito pag-ibig ano pa nga bang nadarama ko for Renz? Wala na kasi akong nadarama na anuman sa kanya kundi simpatiya at awa dahil s

