Page 29 Warning ***** Hindi ako masyadong nagsasalita habang nasa harap kami nang hapag kainan. Hindi lang naman ako, si Renz, Niña at Aling Susan ang nasa harap ng mesa. Dumating iyong kapatid ni Renz na lalake. Mas matanda ito kay Niña at working na rin. Tatlong magkakapatid sina Renz. Siya ang panganay. Sunod ay si Roy then si Niña. Tapos na ng college si Roy, si Renz ang nagpa-aral dito habang si Niña ay nasa Grade 10 na. Hindi naman naging awkward sa akin ang pamilya ni Renz. Magaan at komportable silang nagkukwentuhan sa harap ko at napapangiti na lang ako. Hindi ko mapigilang hindi maingit sa pamilya nila. Maybe dahil sa hindi ako lumaki na kasama ang buo kong pamilya kaya nakakaramdam pa rin ako ng inggit. Hindi dapat pero meron talaga eh.

