_AERON'S POV_ " Kamahalan .. naaalala mo pa rin sya .?" Tumingin ako sa aking taga pag bantay . Nabigla ito sa aking kaseryosohan kaya bigla itong yumuko . ", Ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan mahal na Hari .." Muli akong tumingin sa langit . ,"Miana . Bakit sa twing mahahawakan ko si Aliyah , ay parang pamilyar ang mga hawak na ito . Tila ba nahawakan ko na sya noon . Bukod sa pagiisip na dahil lang siguro sa kawangis sya ni Aura . At ang halik nito kaparehong kapareho nito ang kay aura ." " Kamahalan . Si Aura ay kapiling na ng mga Bathala . Ilang dekada na din ang lumipas dito sa mundo ng tao . " Napapikit ako sa kanyang turan . " Kamahalan . Iniibig nyo pa rin ba si Aura ?" Mula sa likuran ay may nagsalitang pamilyar sa aking pandinig .

