Naglalakad si Prinsipe aeron sa kagubatan . Gaya ng madalas nitong ginagawa ay nagmamasid ito sa mga nilalang na nasasakupan . Sa kanyang pag mumuni muni ay di nito namalayan na nakarating na ito sa ilog . Pabalik na sana ito ng may marinig na umaawit . . "Napakagandang tinig." Bumalik ito at dahan dahang naglakad palapit sa ilog . Hinawi ang dahon na nakaharang sa daraanan at tumambad ang hubad na diwatang naliligo sa ilog . "Lapastangan ! Sinong nagsabing gambalain ang diwata sa paliligo ?". Tumalikod ito at niyakap ang sarili . "Ikaw ang lapastangan . Ito ay pag aari ko . Hindi mo ba ako nakikilala magandang binibini . ?" Kinuha ni Aeron ang kapa nito at inialok sa dalaga . Pag tapos ay tumalikod ito . Umahon ang dalaga sa iloh at isinuot ang kapa ng prinsipe .

