Kinabukasan ay maaga akong na gising, naligo ako at nag suot ng isang pulang dress, nag ayos din ako bago ako lumabas ng kwarto, wala namang okasyon o kailangang puntahan pero ngayon ko ibibigay ang surprise ko sa dalawa. “What a beautiful day,” naka ngiting sambit ko sa mga kasama namin sa bahay, huminto ako sa may hagdan at tinitigan ko ang mga kasambahay namin na kasalukuyang nag lilinis sa sala. “Where’s Ariella?” tanong ko sakanila dahil hindi ko ito nakikitang nag li linis. “Tulog pa po yata sa kwarto niya ma’am,” sagot ng isa sa akin. Agad naman kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Why? She is a maid here, she needs to wake up early, wake her up, sabihin mo pina pa tawag ko siya,” naka ngiting sambit ko sakanya. Tumango naman ang kasambahay sa akin at agad na pumunta sa maid

