Chapter 3

531 Words
May punto pala sa buhay natin na mapapagod tayong lumabang mag-isa at hahayaan nating iba ang makibaka para sa atin. I think I've finally reached that point. Sana lang hindi pa huli ang lahat. Inipon ko ang natitira kong lakas, lumakad ako patungo sa pinto upang buksan ang siraduhan nito. Napadausdos ako ng upo sa tabi nito at hinintay ang tulong na padating. Malayo pa lang dinig ko na ang sirena ng ambulansya, para itong musika sa aking pandinig. Matapos ang ilang saglit, nakarinig ako ng ilang mabibilis na yabag mula sa labas. "She's here!" Narinig ko pero wala na akong lakas para imulat ang aking mga mata. Tinig iyon mula sa isang lalaki. "I found a pulse. It's faint but it's definitely there. Quick! We need to put her on a drip," sabi uli niya habang naramdaman ko ang oxygen na nilagay sa aking ilong. "Her veins collapsed! Wala akong makita!" sagot ng kausap niya. Sandali silang natahimik pero naramdaman ko ang pagpitik nila sa bandang braso, kamay at paa ko. "Here! I found one. Subukan mo 'to." "I'm in! It's all good!" Ipinaalam ng paramedics na papunta na kami sa ospital kaya doon na tumuloy si mama. I was immediately admitted for dehydration and minor cardiac failure due to malnutrition. Bago ako tuluyang nawalan ng malay, narinig ko si mama na umiiyak at nakikiusap sa doktor na gawin ang lahat para maisalba ang buhay ko. Nangilid ang luha ko sa alalahaning meron naman palang nagmamahal sa akin. The road to recovery isn't easy. It's full of hurdles and backlashes along the way. Nevertheless, I feel stronger and more hopeful because I have mama's unquestionable support. May mga pagkakataong sinusubok ang tibay ko at bumibigay ako, pero laging nasa tabi ko si mama upang tulungan akong bumangon muli. Minsan sa pag-uusap namin ni mama, sabi niya she's proud of me because I've chosen to embrace life. Sabi niya it takes a lot of maturity to accept na hindi lahat ng bagay kaya kong gawing mag-isa. It also requires a lot of humility to seek help when everything else failed. Gano'n pa man, meron pa rin akong natitirang pride para sa sarili. Ayaw kong makita ni Sean ang nakalulunos kong kalagayan kaya pinakiusapan ko si mama na huwag siyang payagang dalawin ako. Isa pa, I could still remember the revulsion and horrified look on his face. Dumiretso kami sa Sydney pagkatapos ng ilang buwang pamamalagi sa ospital. Dito ko itinuloy ang pagpapagaling. Sa kagustuhan kong tumaba agad, isinusubo ko lahat ng aking mahawakan. Maling paraan pala 'yon. Anorexia is more of a psychological thing kaya nagtalaga ako ng maliliit ngunit hindi mahirap na tuparing layunin na baguhin ang aking pag-uugali. Tulad ng pagkakaroon ng tama sa oras at regular na pagkain kahit hindi ako nagugutom. Ipinaliwanag din ng dietician at doctor ko ang kahalagaan ng pagkain sa katawan. Pinakamalaki ang naitulong ng therapist ko sa aking pagbabago dahil tinulungan nya akong baguhin ang pananaw ko sa buhay. Natutunan kong yakapin at tanggapin lahat ng kakayanan at kapintasan ko. Higit sa lahat, nagkaroon ako ng pananaw na mas positibo. I believe that I deserve to live and my life is worth saving.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD