Five years later
"Hi, Ma! I'm back!"
Kadarating ko lang mula sa trabaho, apprentice ako sa isang kilalang restaurant kung saan nagsimula ang mga mahuhusay na chef dito sa Sydney. Sabi nila, dapat tayong matutong harapin ang mga bagay na kinatatakutan natin dahil maaari itong maging basehan kung saan patungo ang ating buhay. Makikipagsapalaran ba tayo o hahayaan nating diktahan nito ang buhay natin? For me, I've chosen to conquer my own fears.
Nagtuloy ako sa kuwarto at saka hinubad ang sapatos ko. Dalawang palagag ang apartment na tinitirahan namin ni Mama na nasa pinakatuktok ng gusali. Maliit ang pasilyo sa unang palapag. Mayroon itong dalawang silid—isang study room at ang silid tulugan ko. Magkatapat ang laundry room at bathroom. Sa gawing kanan ang hagdan patungo sa itaas kung saan naroon ang main rooms at silid ni Mama. Tanaw mula sa kusina ang sala at silid kainan, walang dingding na pumapagitan dito, maliban sa pahabang division na nagsisilbing bar area. Mamahalin ang muwebles na ginamit kahit na simple lamang ang disenyo nito. Ang pinakamagandang feature ay ang veranda, makikita mo ang pinagmamalaking icons ng Sydney—ang Harbour Bridge, ang Opera House at ang Sydney Tower.
"Hi, honey! How's your day?" sigaw ni mama mula sa itaas.
"Not bad! Guess what I brought with me?"
Nagkasalubong kami sa hagdan. Hinagkan ko siya sa pisngi bago kami tumuloy sa kusina.
"I bet you're going to try a new recipe," nakangiting sabi niya. Maganda pa rin si mama. Mas bata siyang tingnan sa totoong edad niya na halos singkuwenta na. Alaga niya ang kaniyang katawan. Minsan napagkakamalan pang magkapatid lang kami.
"Yup! I just learned it this morning. Pero medyo babaguhin ko para mas umakma sa panlasang pinoy," masayang pagsang-ayon ko.
"Ugh! Siguradong kami na naman ang tagatikim mo," kunyaring reklamo niya.
"Ma, alam ko naman pong gustong-gusto n’yo ang luto ko!"
"Ngayon na lang 'yon kasi pwede nang kainin," buska niya. "Teka, pupunta ba rito si Brian?"
"Bakit po? Naghahanap kayo ng karamay?" natatawang tanong ko. I can still remember the first time I tried my hand at cooking. It was a disaster pero pinilit pa rin nilang lunukin iyon. I took pity on them, so I snatched their plates and threw the contents in the bin.
"Medyo," pagsisinungaling niya. Alam ko na mahusay na akong magluto ngayon. "The truth is, I like that boy. I can see that you're happy when he's with you."
"Well, he's funny."
"He's cute!"
"Ma, may cute bang bakulaw!"
Si Brian ay dating varsity rugby player. Mataas ito na may matipunong pangangatawan. Bagama't hindi siya nangunguna sa listahan ng masasabing magandang nilalang, may sarili naman siyang karisma at lalaking-lalaki ang dating nito. Nakilala ko siya sa unibersidad na pinasukan ko kung saan nakapagtapos ako ng Business Administration. Pero una kaming nagkita sa ospital four years ago when I had a relapsed. Katulad ko, anorexic din ang nakababata niyang kapatid na babae. Sadly, she didn't make it. Nakita ko kung gaano sila nahirapan dahil sa pagkawala ng kapatid. I witnessed the anguish, the helplessness and the guilt in their eyes.
"Ayan na yata siya," sabi ni mama nang makarinig kami ng tunog mula sa buzzer. "Ako na ang magbubukas. Ipagpatuloy mo na lang 'yang ginagawa mo."
"Thanks, Ma!"
Maya-maya narinig ko ang malakas na boses ni Brian. Kung gaano siya kalaki, ganoon din kalakas ang boses niya. War cry pa lang, siguradong taob na ang mga kalaban niya noon.
"Gorgeous, where are you?" sigaw ni Brian.
"Hey! I'm in the kitchen!"
He kissed my cheek and bear hugged me. That's our normal greeting. Parang lumiit ang kusina nang dumating si Brian. Ang lalaking tao kasi nila. Si mama ay 5'8", samantalang si Brian ay halos 6 feet tall. Hindi ako gaanong tumangkad dahil sa epekto ng anorexia. Buti na lang umabot pa ako ng 5'3". I don't feel intimidated by their height though, actually I feel protected.
I'm more confident about myself now not only because of my positive outlook in life, but also because of my physical transformation. Bumalik na ang dating kinis ng balat at sumiglang muli ang mga buhok ko. Higit sa lahat, I developed a womanly figure. Nagkaroon uli ako ng buwanang dalaw. Kasunud niyon ang pag-usbong ng dalawang bundok sa dibdib at ang bahagyang paglapad ng balakang ko.
Sa limang taong kasama ko si Mama, nagaya ko ang istilo niya ng pananamit. Natutunan ko rin mula sa kaniya ang tamang tindig at tamang paglakad. Sabihin na nating, I acquired class and elegance.
"Sige, maiwan ko muna kayo." paalam ni Mama.
"Go ahead, Ma. I'll call you when dinner is ready."
"What can I do to help?" tanong ni Brian.
"You can peel those potatoes but don't touch this. Baka madurog, ang laki kasi ng kamay mo."
"Sobra ka namang manlait. Kahit malaki ang kamay ko, I can be gentle." He said it while looking directly at my eyes. Guniguni ko lang ba o talagang may kakaiba sa titig niya ngayon? Pati ang timbre ng boses niya, parang may halong lambing.
"Naniniguro lang po. Masyado ka namang sensitive."
"Alam mo, pagdating sa 'yo at sa mga bagay na mahalaga sa 'yo, hindi mo ako dapat pagdudahan."
"Ano bang nangyari sa 'yo at parang ang corny mo ngayon?" I feel unsettled sa mga sinasabi niya. At the same time, I also feel cherished.
"Wala lang. Sa tingin mo, can we be—" Kumunot ang noo niya. May halong pag-aalinlangan sa mga mata niya.
"Can we be?"
Sa halip sumagot, lumapit siya sa akin. Dahan-dahan siyang yumuko. Naramdaman ko na lang ang banayad na paghalik niya sa labi ko.
"Brian!" Napaigtad ako. Hindi ko inaasahan 'yon. "What's that for?"
"Sorry, just consider it a moment of insanity." Namula siya at umiwas ng tingin.
"Ikaw talaga! Puro ka kalokohan!" I can still feel the sensation where his lips touched mine. It was my first kiss. Well, Sean had kissed me during our wedding, but it was barely a kiss. It landed near the corner of my mouth.
Pinilit kong kumilos nang normal na para bang walang mahalagang nangyari. Still, the awkwardness was there. Bakit kasi kailangan niya pang gawin iyon? Lalo akong nakaramdam ng ilang dahil naging tahimik siya. Paisa-isa ang sagot niya sa bawat tanong ko na para bang wala siyang interes na kausapin ako. Taliwas iyon sa ikinikilos niya dahil nahuli ko ang panaka-nakang sulyap niya sa akin.
Bumalik uli ang pagiging kenkoy ni Brian habang naghahapunan kami. Akala ko, nakalimutan niya nang tuluyan ang nangyari kanina. Pero nang nahuli niya akong nakatingin sa kaniya ay ngumiti siya, iyong ngiting makahulugan. Bumaba ang mga mata niya sa labi ko. Pagkatapos ay buong lagkit na tumitig sa akin. No wonder, madaming babae ang nabihag ng loko.
Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng lalaking ito. Siguro, nagsawa na siya sa mga babaeng dumadaan lang sa buhay niya. Sa panahong naging magkaibigan kami, I'm the only constant woman in his life. But, he's always been my friend and I'm not sure if it's wise to bring our relationship to the next level.