Dahil sa kritikal na estado ng kompanya, agad kaming bumalik sa Pilipinas. Gabi na nang lumapag ang sinasakyan naming eroplano sa paliparan ng Maynila. Si Arman ang sumalubong sa amin, kumakaway at tumatalon siya upang mapansin namin sa mga nagkukumpulang tao na pawang naghihintay rin. Gumuhit sa kaniyang mukha ang tuwa nang makita niya kaming magkasama ni Sean. "Welcome home, Ate Delta," masayang bati niya. "Salamat," sagot ko. Kinuha niya mula sa akin ang hila-hilang maleta. Lumingon siya kay Sean. "Congrats, Sir, successful po ang lakad n'yo." Natatawang tinapik ni Sean si Arman sa balikat. "Kumusta kayo sa bahay?" "Lahat po kami, masaya nang sinabi n'yong kasama si Ate Delta sa pag-uwi n'yo. Ayun! Si Melly, kaninang umaga pa linis nang linis, tarantang-taranta kung ano'ng unang ga

