Nakatanggap ng email si Sean na kinukumpirmang nailipat na ng CreditSetter ang pondo. Totoo nga! Nakita namin ang malaking halagang pumasok sa aming bank account nang in-access namin ito sa internet. Nakahinga kami nang maluwag, sa makalawa na kasi ang itinalagang araw ng bangko upang i-auction ang hotel sa Puerto Princesa. Pinatawag agad ni Sean si Mrs. Cruz, VP ng Finance, upang maihanda ang lahat ng kakailanganin sa pakikipag-usap sa branch manager ng bangkong pinagkakautangan namin. Pumayag ang manager na makipagkita sa amin. Bago dumating ang itinakdang oras ay nasa bangko na kami ni Sean. Kasama namin, bukod kay Mrs. Cruz, ang aming legal advisor. Nasa bungad pa lang kami ay sumalubong na sa amin ang Branch Manager, si Mr. Alonzo, at ang Customer Relation Officer nila, si Miss P

