"Magre-resign na lang ako," malamig na panimula ni Damsel makalipas ang isang linggong hindi siya nagpakita sa akin. Nang datnan niya ako sa bahay nila isang linggo ng nakakaraan, nakiusap siya sa akin na bigyan siya ng oras. Pumayag ako dahil iyon ang sa tingin ko ay kailangan niya ng panahon para maka-recover sa mga nangyari.
Kinabukasan din noon ay hindi na rin pumasok sina Irma at Raul. Hindi na rin siguro nagustuhan ni Irma ang nangyayari kaya piniling umalis na lang. Mas okay na iyon dahil hindi ko talaga nagustuhan ang mga ginawa nila. Pero naisip ko, may mali rin ako. I was guilty too. I took advantage of Damsel.
But that was long ago. Alam kong may damdamin akong nabuo kay Damsel at paninindigan ko iyon. At kahit tama sila, hindi pa rin dahilan iyon para libakin nila si Damsel. I mean, that was so offensive. Kaya mabuti na lang at sila na rin mismo ang umalis. Nagtiim ang bagang ko ng iabot na sa akin ni Damsel ang resignation letter niya. Napayuko siya. Taas baba ang balikat niya at alam kong pinipigilan niyang umiyak. Awang-awa ako sa kanya at sinisisi ko ang sarili ko. Pakiramdam ko, kulang pa ang ginawa ko para ipagtanggol siya.
"I'm sorry about this," malungkot na anas ko saka lumipat sa tapat niya. Nasa opisina kami ng hapon na iyon.
Huminga siya ng malalim. "A-Ang totoo, marami na akong naririnig na salita hindi lang sa kanila kundi na rin sa mga kaklase ko. Na kesyo hawak mo ako... na malandi ako at m-marami pa..." malungkot niyang anas. Napatango ako. Nauunawaan ko. Alam kong dahil na rin iyon noong nagkainitan kami ni Freddie malapit sa university noon. Maraming estudyanteng nakakita sa amin noon. Naluluhang tinitigan niya ako. "H-Hindi ko na kayang magbingi-bingihan, Ray. A-Alis na lang ako,"
"Come here," malungkot na anas ko saka siya hinila at napakalong siya sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sinikap kong buuin siyang muli sa pamamagitan ng yakap ko.
"I understand. Please, don't cry. Kasalanan ko ito at sorry sa lahat-lahat," hinging tawad ko. Ang bigat-bigat ng dibdib ko. Doon lang ako nalungkot, nagalit at pumait ng todo ang pakiramdam sa buong buhay ko. Isang linggo akong hindi mapakali, hindi makatulog at hindi makapagisip ng maayos.
"Dapat, pinahinto na lang kitang nagtrabaho at sinuportahan na lang kita. Kasalan ko dahil mas ginusto kong makita ka lagi kaya hindi ko naisip na patigilin ka. I'm so sorry for being so selfish, Damsel. I-I didn't saw this coming..." hiyang-hiya na saad ko.
"Ray, huwag kang humingi ng sorry. Pareho nating ginusto ito."
Napatitig ako sa kanya at malungkot siyang ngumiti. Hinaplos niya ang pisngi ko at awtomatikong ikinilig ko ang mukha ko saka hinalikan ang palad niya. My heart melted to her touch. I was so sure right this time I fell in love deeply with her.
There. I finally realized. Sobrang mahal ko siya kaya nasasaktan ako ng ganito para sa kanya. Gusto kong alisin ang sakit na iyon sa puso niya at itapon. Kung p'wede talaga, gagawin ko. Ganoon ko pala siya kamahal. Pero hindi ko magawang sabihin sa kanya. Tama na ang gulong ibinigay ko. Alam ko, oras na sinabi ko ang totoong nararamdaman ko, maguguluhan siya at baka masira ko ng tuluyan ang concentration niya sa pagaaral.
"Wala na akong mukhang ihaharap dito kaya aalis na lang ako. May ipon naman ako. Mag-co-concentrate muna ako sa pagaaral dahil finals na namin..." paliwanag niya.
Napatango ako at huminga ako ng malalim. "Okay. I understand. Will I still meet you every Saturday?" lambing ko.
Ngumiti siya at tumango. "Hintayin mo ako. Dadating ako tuwing Sabado," pangako niya sa akin.
And I hold on to that promise. Before I let her go, I kissed her passionately. And this time, I felt that kiss was way different from the kisses we used to share. Nagkaroon ng meaning. The intensity deepens and my heart was reacting that moment. Sumisigaw iyon at iisang pangalan lang ang sinasabi...
"Damsel..." anas ko.
"Ray..." naliliyong anas niya saka niya akong siniil ng halik. Halos makalimot kaming muli sa paligid, oras at sandali. Ngayon ko napagtanto na totoo ang sinasabi ni Damsel.
Naramdaman ko rin ang sinasabi niya. Nawawala rin ako sa sarili ko dahil sa isang halik lang niya.
"Aalis na ako," paungol na paalam niya at tumango ako. Ibayong kontrol ang ginawa ko para hindi na siya pigilang tumayo. Malungkot ko na lang siya pinagmasdan nang maglakad na siya papuntang pinto.
Nang lumapat na ang pinto ng opisina, napabuntong hininga ako. Nagdasal ako na sana, matapos na ang miserableng pakiramdam na nararamdaman namin. Napabuntong hininga na lang ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"It's my birthday. Can you come?" lambing ko kay Damsel pagkaangat niya ng cellphone. I was driving. I am smiling in delight. Kuntento pa rin ako sa set up namin ni Damsel. Every Saturday siyang nagpupunta sa bahay. Madalas, nagkukwentuhan kami tungkol sa pagaaral niya, tungkol sa bar at sa pamilya niya.
She still maintained her grades and I was so proud of her. Dahil doon, binilhan ko siya ng magandang relo at kuwintas. Ngayon, bibigyan ko siya ng singsing. It was a promise ring. It was a sign that I am willing to wait for her.
Napangiti ako. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Weeks had past, tuluyang nahawi ang mga negatibong puwersa sa paligid namin dahil na rin nakipagusap si Raul sa amin ni Damsel.
Humingi siya ng paunmanhin sa ginawa niya na. Umamin siya na sumama daw ang loob niya sa nangyari kaya nasabi niya iyon. May gusto daw siya kay Damsel at hindi niya matanggap na wala na siyang pagasa. Nararamdaman daw kasi niya iyon.
Sa huli, tinanggap namin ang paumanhin niya. Sapat na sa aking umamin siya. Nakahanap na ng ibang trabaho sina Raul at Irma sa isang bar sa Katipunan. Balita iyon sa akin ni Raul. Sa ngayon, naka-move on na si Damsel dahil na rin sa ginawa ni Raul. Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil tuluyan na ring nakapag-concentrate si Damsel sa pagaaral niya. Hindi na rin siya nagtrabaho pa at dinagdagan ko na lang ang allowance niya.
Nakakuha na rin ako ng kapalit nila Irma at Raul. Si Digo ang kinuha kong kapalit ni Raul at si Michelle ang pinalit ko kay Irma. Pinsan ko si Michelle. Natutuwa ako dahil maayos niyang nagagawa ang trabaho niya.
"Oo naman. Makakalimutan ko ba ang birthday mo? Isa pa, Sabado naman, eh. Ikaw talaga. Ano ba ang mayroon sa Sabado? Hindi ba, araw natin 'yon?" lambing ni Damsel. Parang may humaplos sa puso ko. Kahit pa sabihing araw namin iyon, gusto ko pa rin namang personal na imbitahan si Damsel. Magluluto ako ng dinner namin. Bumili na rin ako ng dvd para manood din kami pagkatapos kumain. I also bought champagne. It was perfect for that evening.
"Yes, it's our day," nakangiting sagot ko.
"O siya, papasok na ako, ha? Ingat sa pagmamaneho," bilin niya.
"Yes, boss," Napahagikgik siya. Damn... I really missed her. Ilang gabing nalulungkot ako dahil hindi ko siya nakikita. Minsan, natatagpuan ko na lang ang sarili kong nakaparada sa tapat ng university nila at hinihintay ko siyang lumabas. Usapan kasi namin na hindi na ako pupunta pa doon dahil na rin sa hiya niya sa mga kaklase niya.
"Boss ka d'yan," tumatawang sagot niya at parang nakikita kong nakamulagat na siya. "Sige na. 'Bye na,"
"Okay. I will wait for you," nakangiting sagot ko bago ko ibinaba ang cellphone.
Magaan ang kalooban kong nagmaneho papuntang opisina. Doon muna ako nagpunta para tapusin ang mga pendings ko bago nag-grocery. Seven ng gabi ang uwian nila. May oras pa ako para makapamili at magluto.
Pagpatak ng alas sais, umalis na ako sa opisina at nagpunta sa grocery. Namili ako ng mga lulutuing ulam. Pagkatapos, bumalik na ako sa sasakyan at umuwi na. I felt giddy inside! Knowing I'll be with Damsel on the most special day of my life made me really happy.
Pero napakunot na lang ang noo ko ng makita kong nakabukas na ang ilaw sa bahay ko. May nakaparadang sasakyan sa tapat at kinabahan ako ng mapansin kong pamilyar iyon. Kumabog ang dibdib ko ng makilala kong sasakyan iyon ng kuya ko. Napa-s**t ako ng maraming beses sa isip at dali-daling lumabas ng sasakyan. Nagtataka din ako kung papaano silang nakapasok samantalang wala akong pinagbigyan ng susi sa mga kapamilya ko.
"Hey, bro! Happy birthday!" salubong sa akin ni Kuya Paeng. Mas matanda siya sa akin ng limang taon. Tinapik niya ang balikat ko na parang hindi niya ako ginago five years ago. Napabuntong hininga na lang ako. Doon ko napagtanto na hindi na ako galit sa ginawa niya pero nandoon pa rin ang tampo ko. He still betrayed me and he didn't even say he was sorry.
"Dad and mom are here too. They came because it's your birthday!" masayang imporma pa ng kuya ko. Nanuyo ang lalamunan ko at kinabahan. Agad kong pinagana ang isip ko. I need to inform Damsel para hindi siya mabigla sa madadatnan niyang bisita ko. Gusto ko pa rin naman siyang ipakilala sa pamilya ko pero hindi ganoon! Mabibigla siya dito!
"I-I need to call—"
"She's here. Nauna nga sa amin, eh. Kaya nga kami nakapasok. May girlfriend ka na pala. Hindi mo man lang ipinakikilala sa akin," nakangiting putol niya sa sasabihin ko.
Fuck!
"What?" nabibiglang tanong ko.
Siniko niya ako. "Ikaw... ang ganda pala ng girlfriend mo. You really have a nice taste of woman. Bata, kimi at mukhang matalino. She can talk to dad in pure English without stammering. Mom and I was—"
Hindi ko na hinintayna matapos magsalita ang kuya ko, sumugod na ako sa loob ng bahay! Halossumabog na ang puso ko sa kaba. Sobra akong nagaalala kay Damsel. Halos hindi naako humihinga pagkabungad ko sa pinto.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
And there was the three of them. Nakaupo silang tatlo sa sofa. Halatadong kinakabahan si Damsel. Hindi ko siya masisisi. Nakaka-intimidate naman talaga ang parents ko. Masungit ang awra nila. At kung totoo ang sinasabi ng kuya ko, kung talagang nakaharap ng confident si Damsel sa kanila, mabibilib na talaga ako sa kanya.
"Oh, iho. Happy birthday!" nakangiting baling ni mommy pagkakita niya sa akin. She hugged me and kissed me. Tumugon din ako.
"Happy birthday, son," sunod na bati sa akin ng tatay ko at tinapik niya sa balikat.
"Thank you. Well... this is a surprise!" nabibigla pa ring komento ko. Halos hindi ako makapaniwala na sa isang iglap lang, nasa harap ko na silang lahat.
"You surprise us too." Sagot ng nanay ko saka bahagyang umismid. Pailalim niyang tiningnan si Damsel. Doon nagkaroon ng tensyon. Hindi ko nagustuhan ang inasal ng nanay ko at nahiya ako ng todo kay Damsel.
But still, I was there. I can do something for Damsel. Ayokong makaramdam siya ng panliliit. Hinawakan ko ang kamay niya saka iniharap sa mga magulang ko. "My girlfriend. She's Damsel,"
Doon na dismayadong napailing ang mga magulang ko. Ang kuya ko, nasa labas pa rin at hindi na pumasok. Alam kong kaya hindi siya pumasok, alam niyang mangyayari iyon. Humigpit ang pagkakahawak ni Damsel sa kamay ko. Alam ko, nabigla din siya sa dineklara ko. But that's the only thing I know not to embarrass her. Isa pa, gusto ko na ring liwanagin ang lahat sa pagitan namin.
My parent's reactions broke my heart that time. Gusto ko pa ring matanggap kami ng pamilya ko kaya nakakasama ng loob ang nakita ko.
"Umaasa akong babaliin mo ang ideyang nabubuo sa isip namin, Ray." Dismayadong saad ng nanay ko saka hinagod ng mapanlibak na tingin si Damsel. Napailing na talaga siya. "She's too young for you. Ano ka ba naman? Wala ka na bang ibang babaeng mahanap at pati bata, pinatulan mo pa?"
"Mom!" nabibiglang sagot ko. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Damsel at napabuga ako ng hangin. "I don't care about our age. I love her. Sana, maintindihan ninyo."
Lahat ng tao sa loob ng bahay na iyon, napasinghap sa idineklara ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero putsa! Alangang itanggi ko pa ang bagay na iyon? Matagal ko ng tinatago iyon. Hindi ko lang magawang magtapat dahil ayokong maguluhan si Damsel.
Pero gusto ko nang sabihin iyon sa kanila para maintindihan nila kung bakit tinawid ko ang agwat namin ni Damsel...
"I love her and no one can stop me from loving her," determinadong sagot ko.
"This is crazy," nabubuwisit na komento ng daddy ko at disappointed akong tinitigan. "We came here for nothing. We are not going to tolerate this, Ray." Nagbabantang saad ng daddy ko bago kami iniwanan.
Napaigtad na lang si Damsel ng sumarang pabagsak ang pinto namin. Agad ko siyang niyakap para mabuong muli ang puso niyang dinurog ng mga magulang ko. Again, I was scared that moment. I don't want to lose her and I am going to do something to make her stay.