WALA AKONG NARINIG galing kay Heiro buong gabi at sa sumunod na araw. My mind’s in a haywire. Umasa akong makikita siya sa university pero wala. Naging hobby niya na ba ang biglaan na lang nawawala? s**t. Nagpaulit-ulit pa rin sa isipan ko ang boses ng babae na narinig ko sa kabilang linya. Pamilyar. Parang narinig ko na dati ang boses. Hindi ko lang alam kung kailan o saan. Pero sigurado ako na matagal na panahon na nang marinig ko ‘yon. Napasalampak ako ng upo sa isa sa mga upuan sa computer room dahil malapit nang magsimula ang susunod kong klase. At lumipas nga ang oras na nakinig lang ako sa discussion, nilalabanan na paulit-paulit kong maisip si Heiro. Nang dumating ang hapon, nakaabang na si Eustace sa labas ng classroom ng panghuli kong klase. Nakangiti ko

