INAYOS KO ANG SARILI bago lumabas ng rest room. Tiningnan ko ang paligid habang palapit sa mesa namin. Nagtatawanan si Dustin at ang mga kaibigan niya na mukhang may nakakatuwang pag-usapan. Panay ang mahinang saway ni Gwen sa kung ano’ng sinasabi ni Eustace. She pursed her lips and showed her balled fist straight to Eustace’s face. Pero hindi ito natinag, Eustace remained talking to everyone as if not even affected by the threat. I suddenly felt a knot in my stomach the moment I caught him smiling genuinely. But this time. . . in front of other people—his friends. Ang akala ko nga noong una, si Gwen at Dustin lang ang mga kaibigan niya. Palakaibigan din pala siya. I thought he is one kind of a loner. But not the typical one. Maingay naman siya. Nagbibiro at nang

