“IT WAS FATALE, AEYZHA.” Si Eustace na puyat ang mga mata ang sumalubong sa akin sa bandang entrance ng ospital. Nagsimulang manubig ang mga mata ko. Agad ko siyang hinawakan sa mga kamay. Niyugyog ko siya habang nararamdaman ko ang panginginig ng mga labi ko. “Where is he now? A-Ano’ng room number?” Nagsimula akong maglakad papasok sa loob kahit hindi pa siya sumasagot. “Aeyzha.” Hinabol niya ako at agad hinawakan sa palapulsuhan. Napaharap ako sa kanya. “Please, Eustace. S-saan ko makikita si Dad? Is he alright? I have to see him.” “Aeyzha,” tawag niya ulit sa pangalan ko. Mapungay ang mga mata niya at halos bumulong na lang dahil sa hina ng boses. “Eustace, you have to tell me now where I could—”

