Sophie’s POV
Pinigilan ko ang sarili ko na sumagot sa kanya dahil alam ko na baka magkagulo lang ang buong klase. Pero huwag lang siya magkamali sa kanyang ginagawa dahil hindi ako papapigil. Handa akong makipag laban at ipagtanggol ang aking sarili. Wala akong pakealam kung maraming estudyante na nakapaligid at kahit nakagtinin pa sa akin si Kobe. Alam ko naman sa bandang huli ay siya pa rin ang pipiliin ni Kobe at hindi ako.
“You know what Mariz? Please show some respect to me. We are both woman and you know that I don’t you to come near me or my bestfriend Blaire, baka kase malagyan mo nang bacteria ang katawan namin. Kaya hayaan mo na akong umalis. At saka isa pa. Paano ako maiinggit sa pag hahalikan ninyo ni Kobe? Matagal na kaming break,” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang expression nang mukha ni Mariz. Nainis siya sa akin at alam kong gustong gusto niya na akong saktan. “You b***h! Hindi ka talaga mahal ni Kobe sa una pa lang. Ginamit ka lang talaga niya. Wala ka naman kaseng kwenta!” sigaw niya sa akin at saka itinulak niya ako. Napaupo ako sa sahig.
Tumayo ako pero hindi ako gumanti sa kanya. “Kung wala akong kwenta sa paningi ni Kobe? Ano ang tingin mo sa sarili mo? Malandi ka talaga! Inagaw mo sa akin si Kobe!” sigaw sa kanya.
Dati kase. Si Blaire at si Mariz ay mag bestfriend. Pero ngayon hindi na. Dahil sa nalaman ni Blaire na inagaw ni Mariz ang boyfriend ko na si Kobe. Buti nalang at hindi kita naging bestfriend. Kasi, anong nalang ang iisipin nang mga tao sa paligid natin? Bestfriend ko? Inagaw ang boyfriend ko? Sana sa una pa lang sinabi mo na sa akin na gusto mo si Kobe at sana sinabi din ni Kobe sa akin na gusto ka rin pala niya. Sana hinayaan ko nalang kayong dalawa na mag kasama. Hindi iyong naglalandian pa kayong dalawa sa likod ko, at hindi kayo titigil hanggat hindi ko pa nakita nang dalawang mata ko na may namumuong relasyon sa iyong dalawa.
Nakita ko na biglang lumapit na rin ang mga kaibigan ni Mariz at mukhang tumataas na ang tensyon namin dalawa. Hinawakan ako nang kaibigan ni Mariz sa aking dalawang braso at doon ay itinaas ni Mariz ang kanyang dalawang kamay at saka sinampal ako. “Sophie!” narinig kong sigaw ni Blaire sa aking pangalan. Hindi ko siya pinalapit dahil ayaw kong madamay siya sa aming gulo.
"Sige, Sampalin mo pa siya. Paduduguin ko Yung labi mo," rinig kong sabi nang isang lalake. Inangat ko ang aking paningin at doon nakita ko si Austin. Hinila na ako ni Austin sa mga babae. Agad naman nila akong binitawan. Inilayo ako ni Austin sa classroom.
“Wait Austin! Stop!” I shouted at him.
Hindi nakinig sa akin si Austin. Agad niya nalang ako dinala sa may convenience store at bumili nang cold compress para sa aking namamagang pisngi.
Flashback
"Sige, Sampalin mo siya. Paduduguin ko Yung labi mo," Hinila na ako ni Austin papalayo sa lugar na Yun.
“Get your hands off me Austin!” pagpupumiglas ko sa kanya. Pero hindi niya ako binitawan. Binigyan niya ako nang masamang tingin.
“Nasaan ba ang utak mo? Nasa talampakan? Pasalamat ka at tinulungan kita dahil kung hindi. Baka ang dalawang pisngi na ang namamaga sa iyo. Sasampalin ka na nga. Hindi ka pa rin lumaban pabalik. Tanga ka ba?” tanong sa akin ni Austin.
Kaming dalawa ni Austin ay nakarating sa gym. Wala naman tao doon kami lang dalawa. “Bakit mo ako dinala dito?” tanong ko sa kanya. “Gusto ko lang na ilayo ka muna sa classroom para humupa ang tensyon sa loob,” sagot sa akin ni Austin. Makalipas nang ilang minuto sa loob nang gym ay hinila niya ako palabas nang gym. Sa lakas nang pagkakahila niya sa akin ay bigla akong nadapa sa sahig.
Hindi niya ako tinulungan tinawanan niya lang ako nang pagkalakas-lakas at sinabihan ako na tanga. “Bullshit ka! Tulungan mo nga ako at dalhin mo ako sa clinic!” sigaw ko kay Austin. Hindi niya pa rin ako tinulungan. Tatayo na sana ako kaso hindi ko magawa dahil mukhang nasugatan ang tuhod ko.
Nagulat ako sa sumunod na ginawa sa akin ni Austin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking ulo. “Next kase, mag-ingat ka dahil hindi lahat nang tao ay kakaawaan ka. Kung ano sa iyo ay matuto kang lumaban, come on!” sabi sa akin ni Austin. Nagulat ako nang bigla niyang kinuha ang aking braso at ipinalupot niya sa kanyang batok at saka binuhat niya ako. Hindi ko maintindihan ang t***k nang puso ko. Parang sasabog na ito anytime. Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at ganun din siya sa akin nakatitig. “Ano ba!? Ang lapit nang mukha mo! Bad breath! Eww!!!” sabi ko sa kanya. Pero ang totoo eh kinikilig na ako, pero ayoko lang ipahalata sa kanya. Mabango naman talaga ang hininga niya.
“Tumigil ka nga sa kakareklamo mo! Ikaw na nga ang nasaktan at tinutulungan, ikaw pa ang may maraming sinasabi! Gusto mo halikan kita diyan!” sabi sa akin ni Austin. Mas lalong bumilis ang t***k nang puso ko. Unti-unting lumapit ang mukha ni Austin sa akin. Wala na akong magawa kundi ang pumikit na lang. “Bleh! Akala mo naman itutuloy ko ang halik ko sa iyo manigas ka!” sabi niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako nang kahihiyan sa aking sarili. “Gustong gusto mo talaga na halikan kita nuh?” tanong sa akin ni Austin.
Pagkatapos niya akong dalhin sa clinic ay pumunta pa kami sa convenience store para bilhan ako nang cold compress.
End Of Flashback
“Oh may masakit pa ba sa iyo?” tanong sa akin ni Austin. Habang nag lalakad kaming dalawa pabalik nang classroom ay bigla kaming tinawag nang nurse. Nakita ko na may hawak siyang cellphone, papel at saka ballpen. “Alam niyo? Bagay kayong dalawa na maging couple. Pahingi naman ako ang autograph at saka selfie sa inyomg dalawa please?” paghingi nang pabor sa amin nang nurse. Pagkatapos niyang magpapicture sa amin ay tinanong ulit kaming dalawa ni Austin nang nurse. “Mag couple ba kayong dalawa? Kase ang sweet niyo naman sa isa’t-isa, ang sweet nang boyfriend mo,” tanong sa amin nang nurse. Namula at uminit ang pisngi ko sa tanong nang nurse.
“Huwag kana magdeny. Kase baka iwan ka niyan,” sabi sa akin nang nurse. “Hindi naman po talaga kami mag couple,” sagot ko sa kanya. Pagkatapos namin makipag usap sa nurse. Hindi pa rin ganun mawala ang sakit nang sugat sa tuhod ko. Kaya inaalalayan pa rin ako ni Austin mag lakad pabalik sa loob nan gaming classroom.