Sophie’s POV
"YOU?!" Gulat kong tanong sa aking sarili? Dahil hindi ako makapaniwala na siya ang lalakeng nakilala ko doon sa abandonadong bahay noong nakaraang araw.
"Oo. Ako nga. Bakit?" sagot niya sa akin. Tapos mukha pa siyang ang nagpapacute eh hindi naman siya cute. Sadyang makapal lang talaga ang mukha niya para tumabi at magpakita sa akin. Pero dahil nga sa gwapo at maamo niyang mukha ay parang napatikom ang aking mga labi at hindi makapag salita nang maayos. Okay. Siya nga ang lalake na humalik sa akin at nakausap ko rin kahapon na ang pangalan ay Austin. Bigla ko tuloy naalala ang panaginio ko kagabi. Kadiri naman. Pero inisip ko rin? Paano magiging demonyo ang maamo at mabait niyang ugali? Diba?
Medyo napatulala ako nang slight sa kanya dahil parang nag uusap ang aming mga mata na para bang tila may sinasabi siya sa akin pero hindi ko naman maintindihan. Napakaweird ko naman mga isip. Mukhang wala na ako sa sarili. Pero hindi ko mapigilan. Sobrang gwapo niya talaga. Hanggang sa namulat ako sa realidad.
Napatingin ako sa aking paligid at napansin ko na bakit ang tahimik nang buong klase? Nang makita ko ang aking mga kaklase na halos tumulo na ang kanilang mga laway dahil kasama ko si Austin? Hahaha. Mukhang hindi sila makapaniwala na sa akin tumabi si Austin. Kahit si Blaire. Mukhang hindi rin makapaniwala na andito si Austin at dito na siya mag aaral at higit sa lahat? Kaklase pa namin siya. Tinitigan ko si Blaire, nakabukas ang bunganga niya at tutulo na rin ata ang laway. Mukhang gusto niya nang kainin nang buhay si Austin. Hahaha.
“Tumingin ka sa akin,” utos sa akin ni Austin. “Bakit hindi ka makapagsalita? Dahil bas a kagwapuhan ko?” tanong sa akin ni Austin. Ang kapal talaga nang pagmumukha nang taong ito! Akala mo naman kung sino. Pero totoo naman ang sinabi niya. Naamaze din ako sa kagwapuhan niya at mukhang maiinlove ata ako sa kanya. Pero manigas siya, dahil pipigilan ko ang puso ko. Wasak na ang puso ko at pinaglaruan na nang ibang lalake. Kaya hindi na ako mag titiwala pa.
Hindi maiwasan na hindi kiligin dahil sa sinabi niya sa akin. Sasagot pa sana ako na hindi naman siya gwapo kaso, puro tili at hiyawan nalang ang naririnig ko sa aking mga kaklase. Mukhang hindi ata sila makamove-on na dito na mag aaral si Austin. Pero nakakainis din siya paminsan dahil ang yabang-yabang niya akala mo naman na sobrrag gwapo niya. Mukha naman siyang rat.
“Oh my gosh! Sophie! Bakit mo tinago sa akin na mag kakilala pala kayo ni Austin?” tanong sa akin ni Blaire. Ang totoo naman ay hindi naman kami ganun katagal mag kakilala. Geez.
“Manahimik ka nga Blaire, hindi naman kami talaga super magkakilala nu! Nagkakilala lang kami doon sa abandonadong bahay. Iyong sa kabilang street nang kung saan kami nakatira. At saka, huwag kang masyadong star struck sa kanya! Bastos ang lalakeng yan!” sabi ko kay Blaire.
“Hindi na mahalaga iyon. Ang mahalaga, andito na si Austin at gagawin ko ang lahat para maging close kami sa isa’t isa” sabi sa akin ni Blaire. Napaisip ako na wala naman espesyal sa lalakeng ito bukod sa gwapo niyang mukha. Pare-pareho lang naman kaming estudyante nang paaralan na ito kaya matuto din siyang kumilos na normal.
“Kilala mo ba talaga kung sino si Austin? As in A-U-S-T-I-N-M-A-T-T-H-E-W?” tanong sa akin ni Blaire. Binigkas niya pa sa akin ang mga letters paisa-isa. Anong akal niya sa akin? Hindi ako marunong magspell nang pangalan nang tao?
“Bakit? Sino ba talaga ang lalakeng ito? Ex boyfriend mo ba ito?” tanong ko kay Blaire. Sinungitan niya lang ako. “Hindi! Pero sana lang maging boyfriend ko siya,” sagot sa akin ni Blaire. Pero ang pangalan na Austin Matthew ay parang narinig ko na, hindi ko lang matandaan kung saang lugar koi to narinig at anong panahon iyon. Kung narinig ko man siguro sobrang tagal na talaga.
Sobrang espesyal ni Austin sa mga kaklase ko na halos lahat nang mga classmates ko ay nililibre siya at binibigyan siya nang mga gifts para lang pamansin.
Minsan, nakakapagtaka din kung kanino ko ba narinig ang pangalan na Austin.
"Hey! Sophie!" tawag sa akin nang mga classmates ko. Napatingin ako sa kanila at halos matakot ako sa mukha nila dahil ang ngiti niya ay halos umabot hanggang tainga. “Magkakilala pala kayo ni Austin?” tanong nila sa akin. “Childhood friend mo ba siya? Matagal na ba kayong close? Huwag ka sa amin mag deny. May secret affair o romantic relationship ba kayo?” Ang daming tanong sa akin nang mga classmates ko sa school. Halos hindi na ako makapag salita sa mga sunod-sunod na tanong. “Hindi ko siya kilala! Hindi ko siya childhood friend at wala kaming romantic stupid relationship! Eeww!” sagot ko sa kanila. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?” tanong nila sa akin. “Yes! I am sure!”
“Please stop asking Sophie. You all guys heard her answer already,” nagulat ako nang isang familiar na boses ang narinig ko. Hanggang sa nakita ko si Kobe na pumasok sa loob nang room. Nagkatitigan kaming dalawa at doon bumalik ang mga alaala namin dalawa. Umiwas ako nang tingin sa kanya dahil nararamdaman ko na tutulo na ang luha ko sa aking mga mata.
Noong ibinalik ko ang tingin ko sa kanya ay nakita ko si Mariz na lumapit sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang pisngi at nakipag halikan sa harap nang aming kaklase. “Hi Honey! I miss you!” sabi sa kanya ni Mariz. Nakaramdam ako nang selos. Narinig din ako nang mga bulong bulungan sa aking likuran. Akala kase nang iba namin kaklase na si Kobe pa rin ang boyfriend ko.
Tumayo ako nang upuan at aakmang lalabas na sana ako nang classroom pero hindi ako natuloy dahil may humawak sa aking braso at hinila ako paharap sa kanya. “Mariz! Ano bang problema mo?” tanong sa kanya. “Bakit ka aalis? Hindi mo ba kayang makita ang kissing scene namin dalawa ni Kobe?”