CHAPTER 09 SOPHIE LOPEZ

1408 Words
“Hoy lalake na nag hatid sa kapatid ko huminto ka!” sigaw ni Kuya Zian kay Austin. Oh my gulay, mukhang mapapasubo ako dito sa ginagawa nang kuya ko. Tumigil ang kotse at nag reverse pabalik dito sa aming bahay. Ibinaba ni Austin ang windshield at ngumiti kay kuya. s**t! Ako ang tinamaan sa smile niya. Napa pure naman ang lalakeng ito. “Hello sir? May problema ba?” tanong ni Austin kay Kuya Zian. “Wala naman,” sagot ni Kuya Zian. Itinaas ni Austin ang windshield at saka bumaba sa sa loob nang sasakyan. Nagka tinginan silang dalawa. Ngumiti si Kuya Zian sa kanya. “Stop pretending that you don’t know me, and please stop calling me ‘sir’, baka hindi mag tagal makasanayan ko na,” sabi ni Kuya Zian kay Austin. My gosh! Hindi ko alam na magka kilala pala silang dalawa. “Ikaw pa lang kumag ka ang nag hatid sa kapatid kong makulit,” sabi ni Kuya Zian sabay hawak sa aking ulo. “Stop it kuya, hindi na ako bata,” sagot ko sa kanya. “Mag kapatid pala kayong dalawa, hindi ko alam bro. Sorry kung medyo natagalan ata kami sap ag uwi at medyo inabutan na rin nang dilim,” sabi ni Austin kay Kuya Zian. Sabay kamot sa ulo. “You’re right. Hindi ko ang alam kung bakit naging kapatid ko ito eh hindi naman dumaloy ang kagandahan sa mukha niya,” sabi ni Kuya Zian. Hinila ko ang buhok ni Kuya Zian. “Oo kapatid ko ito, nako walang problema sa akin kahit idate mo pa ang kapatid ko, basta ihatid mo lang pauwi ha?” sabi ni Kuya Zian. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kikiligin o maiinis sa kanyang mga sinasabi. “Hindi kami nag didate ni Sophie, mag kaibigan lang po---,” hindi pa natatapos mag salita si Austin ay sumingit na ako. “Yack! Hindi kami mag jowa nu? At saka hindi kami nag didate kuya, at isa pa, hindi mangyayare na magakaroon nang date sa aming dalawa,” sagot ko. Nag tawanan lang silang dalawa. “Hay nako Sophie,” pinitik ni Kuya ang noo ko. “Tama na ang usapan dito sa labas at maginaw ginaw na rin, pumasok muna tayo doon sa loob,” sabi ni Kuya Zian. Mukhang wala na talaga akong magagawa kundi patuluyin itong kumag na ito sa loob nan gaming palasyo. Ito naman si Kuya Zian ay sobrang laki nang ngiti. Nang makapasok na kami sa bahay ay hindi ko inaasahan ang isinigaw ni Kuya Zian. “Ma! Andito na si Sophie may kasamang lalake! May namamagitan sa kanilang dalawa ma!” Bigla kong inambagan si Kuya Zian. “Ay litse!” nakasuntok ako nang isang beses tapos hindi na sundan dahil tumakbo na siya sa likod ni mama. Napatingin ako kay Austin, tahimik lang din siya na medyo nahihiya din. Sabay kamot sa ulo. “Ulol,” mahinang sabi ko sa kanya. “Ulol ka rin,” mahinang sagot sa akin ni Austin. Nagka tingan kaming dalawa sabay tawa na naman. Nang tumingin na sa akin si mama ay napalitan nang takot ang tawa ko. Patay ako nito, dahil sobrang istrikto si mama pag dating sa mga lalake. Patay, nakasimangot pa si papa, mukhang hindi na talaga ako aabutan nito nang umaga. Dahil sa sobrang lakas at bilis nang t***k nang puso ko ay napa sign of cross na ako. Tapos bigla pang nag salita si Austin nang, “AMEN.” Gago talaga. "Andito na pala kayo Sophie and ang kaibigan mo? Maupo muna kayong dalawa," Si Mama, nakasimangot! Patay talaga ako nito. Umupo na kami sa sala, at may tubig na nakalagay lang sa table, kinuha ko agad at uminom nang isang basong tubig na walang tigil. Si Kuya Zian kase eh, mukhang ipapahamak talaga ako nito. "Bakit nga pala kayo ginabi Sophie?" Nakatingin lang sakin si Mama. Patay talaga ako nito. Sophie na ang tawag sa akin at hindi na anak. Iyong tingin niya sa akin ay ang tipong. AYUS AYUSIN MO ANG SAGOT MO SA AKIN SOPHIE. “Mama kase… ano…” hindi pa ako nakakapaliwanag nang maayos kay mama ay sumagot na agad si Kuya Zian. “Diba sabi ko 6 o’clock ay andito kana? Anong oras na? Lumampas kana sa 6 oh…” Epal talaga itong kuya ko, imbis na humupa ang tension dito sa loob nang bahay aty mukhang dinadagdagan niya pa ata. “Kuya please?” sabi ko sa kanya, pumunta sa likuran ko si Kuya Zian at sabay sabing, “ikaw naman kase ang makakapiso ngayon kay mama.” “Lagot ka talaga sa akin pag katapos nang misa,” sabi ko sa kanya. Misa lang ang tawag ko kase si mama ganun siyas sa amin magalit, may kasamang payo. Parang misa. "Pssstt.., kayong dalawa? Gusto ninyo pag untugin ko kayong dalawa? May bisita tayo oh. Sige para matigil na kayomg dalawa diyan siya na lang ang tatanungin ko," sabi ni mama. “Oh ijo? Bakit kayo nagabihan ni Sophie? May pinuntahan ba kayong mga lugar?” tanong ni mama. "Ma! Hinatid lang naman ako ni Austin, wala naman po kaming pinuntahan, talagang natagalan lang po kami," sagot ko. Ngumiti lang si mama sa akin. "Austin pala pangalan mo ano? Iho, oh, ano ngang dahilan at gabi na kayo nakauwi?" tanong ulit ni mama sa kanya. "Mommy?! Andiyan na ba si Ate Sophie?!” pasigaw na tanong ni Lexi habang rinig ko ang yapak nang kanyang paa papunta sa amin. Nanlaki ang mata niya nang makita niya si Austin. Anak nang teteng, ibig sabihin isa din siya sa mga fan ni Austin. “Umupo ka nga muna Lexi, sobrang ingay mo halos marinig kana nang kapit bahay,” saway sa kanya ni Kuya. Umupo si Lexi sa gilid ni mama. “Si Kuya Zian naman eh, ikaw nga itong kakarating lang napaka strict na agad,” pasimangot na sagot ni Lexi kay Kuya Zian. "Ate, nagdate kayo?" tanong sa akin ni Lexi. “Oh my gosh Lexi! Pati ba naman ikaw?” sabi ko kay Lexi. “Teka nga teka nga! Ang ingay ninyong tatlo, nakita niyo ba na may bisita tayo?” sabi naman ni mama. Nako pag nagalit si mama ay lagot. Makaka tikim nga kaming tatlo sa kanya. "Sige, Austin Matthew ba pangalan mo?" tanong ulit ni mama sa kanya. "Opo." Tinignan ko lang si Austin, bigla niya naman akong tinignan at nagsmile sa akin? Nye. Hindi man lang siya kinakabahan sa boses ni mama? Hanggang sa kumuha nang juice si Kuya Zian at uminom ito. Binigyan niya ako nang isang basong juice. Haay ang sarap. Sobrang lamig. Parang ang init sa aking katawan ay humupa rin. “Ah okay Austin, nag date ng aba kayong dalawa nang anak ko na si Sophie?” sa tanong ni mama kay Austin ay bigla kong naibuga ang ininom kong juice. “Mama!? Pati ba naman ikaw?” Hindi ko sinasadya na pasigaw kay mama. "Ate naman! Manners naman oh. Ang laway kong halos ipaligo muna sa akin," sigaw sa akin ni Lexi. Kumuha siya nang pamunas at ibinigay niya sa akin. “Nag de date ng aba kayong dalawa?” tanong ni mama ulit. "Hindi po kami nag di date tita, sorry po kung nagabihan kami sa pag uwi, nakatulog lang naman po siya sa kotse kaya hindi ko alam saan ko siya ihahatid, kaysa naman po paikot ikot po kami sa daan ay umuwi nalang po muna kami sa bahay,” "Ano?!” gulat na gulat silang tatlo na parang may nangyare na kakaiba. Ako na ang nag pa liwanag. “Okay ganito kase iyon, naclinic kase ako kanina, hindi ako maka lakad nang maayos okay? Hinatid niya lang ako that’s it. Sorry na mama, kuya and bunso,” sabi ko sa kanila. Ayoko ng sabihin ang nangyare kay Mariz at sa comfort room. Alam niyo naman sila, napakaprotective pagdating sa akin. Kaya hindi niya na dapat malaman ang nangyare sa akin. Atsaka, kaibigan ni Mama Yung Mama ni Mariz. Ayokong magkaroon ng lamat Yung friendship nila dahil lang sa gulo namin. "Ah. Okay. Sige, apology accepted. Pero familiar sa akin ang mukha mo, kung hindi ako nag kakamali ikaw ba ay artista diba?” Oh my! Hindi ko inaasahan ito. Nakiki chismis din pala si mama sa showbiz? "Ahh… opo opo,” pahumble na sagot ni Austin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD