"Sabi ko na nga ba eh, hindi ako nag kakamali. Oh siya dahil inabutan kana rin nang dilim, dito kana sa bahay naming kuamin nang dinner. No more buts, mahirap tanggihan ang grasya. At saka gusto ko rin mag pasalamat sa pag hatid sa anak kong babae,” pag anyaya sa kanya ni mama at pag papasalamat na rin. "Ma! Kailangan niya na ngang umuwi!" Wala lang, trip ko lang na hindi siya pakainin dito sa amin. Hindi siya welcome dito. "Nagmamadali ka ba Austin?" tanong sa kanya ni mama na may halong pag aalala na rin. "Ahh… hindi naman po ako nag mamadali. Ah okay po, dito na lang po ako kakain," sagot naman ni Austin kay mama at saka sabay ngiti. Hindi naman sa hindi siya welcome dito sa amin, iniiwasan ko lang ang matinding hot seat. Bumulong ako sa kanya. "Dapat sinabi mo na nag mamadali ka

