7

1743 Words
“WHAT THE HELL, Zane.” Naiinis na sabi ni Blumentritt sa kaibigan na nasa maliit na gym sa bahay nang umagang iyon. Kasama ni Zane si Kent Lauro.  “What?” tugon ni Zane. “Ang aga-aga, nakabusangot ka na.” Sinikap kalmahin ni Blumentritt ang sarili. Noon lang siya nakaramdam ng ganoon katinding inis para kay Zane. Si Zane na palaging maganda ang disposisyon. Humigpit ang pagkakahawak niya sa cell phone. “Bakit ipinost mo ang picture namin ni Trutty sa i********: nang hindi muna sinasabi sa amin?” Kahit na bahagyang mas mahinahon ang tinig, naiparating pa rin niya ang nadarama  sa kaibigan. “It was a cute shot,” ang walang anumang tugon ni Zane. “Hindi puwedeng hindi i-share.” Parang sasabog sa inis si Blumentritt sa narinig mula sa akibigan. “It was a cute shot? Seriously? Kinunan mo kami ng hindi namin nalalaman at walang abog-abog mong ipinost! Ngayon pinagpipiyestahan kami ni Trutty.” Natatawang tumingin sa kanya si Zane at bahagyang nabawasan ang kinang ng mga mata nito nang mapansin na talagang naiinis siya. “Dude, it’s just a picture.” Hindi nila namalayan ni Trutty na nakunan sila ni Zane ng larawan habang nagtatawanan sa may pool area noong bumisita sila sa bahay ng mga magulang ng dalaga. Kung hindi siya nainis sa pagpo-post ni Zane ng larawan sa social media, aaminin niyang magandang shot nga iyon. He and Trutty looked so happy. Hindi nga gaanong mapaniwalaan ni Blumentritt na siya ang nasa larawan kasama ni Trutty. “It’s not just a picture!” bulyaw ni Blumentritt. Pakiramdam niya ay may nakuha sa kanya na hindi niya maipaliwanag. He didn’t want to share that picture in the world. He wanted to keep it like a beloved treasure.  “Dude, relax,” ani Kent Lauro na itinigil ang pagtakbo sa treadmill. “Wala namang intensiyon na hindi maganda si Zane.” “Relax? Coming from someone na naranasan na kung gaano ka-harsh ang mga tao sa social media?” “The social media is being kind to you and Trutty. They love the idea of you two being together,” ang sabi ni Kent Lauro, bahagyang nakakunot ang noo. “The fans are happy and supportive.” Bago pa man nakasagot si Blumentritt ay nagsalita uli si Zane. “Blu, I’m sorry if I upset you. Totoong wala akong masamang intensiyon. I just find the picture so lovely. I didn’t know it would bother you.” “Then you should’ve asked first!” Blumentritt snapped. Nagulat ang dalawa sa inasal n Blumentritt. He had always been the grumpiest of them all but he never acted like this before. Bahagya na rin siyang na-guilty sa totoo lang. Hindi niya nais magalit sa mga kaibigan.  “Buburahin ko na,” wika ni Zane. “Ano ang magiging silbi niyon?” ang naiinis pa ring sabi ni Blumentritt. May tinig na nagsasabi sa kanya na tumigil na siya. Zane doesn’t deserve it. Ngunit waring mahirap makinig at tumalima sa rasyunal na tinig na iyon. “Mabilis nang kumalat sa lahat ng social media ang larawan. We’re trending!” “And that’s a bad thing?” nagtatakang tanong ni Kent Lauro. “Blu, puwede bang huwag mo na lang palakihin ang isang bagay na hindi naman dapat na gawing big deal?” “Nagbabasa ba kayo ng comments? People thinks we’re together. They said we should totally be together. Perfect picture of love. Perfect for each other. This all your fault, Zane.” Nababaghan pa rin ang mga kaibigan na nakatingin kay Blumentritt. Alam naman niya na puro positibo ang lumabas sa kanyang bibig at hindi makita ng mga ito ang totoong problema. Aaminin din niya na sang-ayon ang kanyang puso sa sinasabi ng iba tungkol sa larawan. They look good together. Ngunit hindi alam ng iba na may ibang kuwento. Hindi niya masabi nang tuwiran na hindi maaari. Guilt was slowly eating him alive. He shouldn’t be happy like in the picture. Ano na lang ang sasabihin ni Alana kapag nagising ang dalaga? Paano niya ipapaliwanag? Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Blumentritt. Mas mahinahon na siya nang magsalita. “Trutty is a very special girl. She’s Tutti’s twin, Zane. Alam mo na hindi siya komportable sa mga ganito. Yes, posting and sharing had been a part of our job. Pero sana ay tinanong mo muna kung paano makakaapekto ito sa amin.” Guilt was written all over Zane’s face. Bahagyang sumama ang pakiramdam ni Blumentritt dahil alam niyang hindi maganda ang epekto ng mga salita niya kay Zane. Ngunit totoo rin naman kasi ang sinabi niya. Sa mga nakalipas na taon, hindi nagpo-post si Trutty ng mga pribadong larawan sa Internet. Sinusubukan ng dalaga na magpakapribado kahit na kilala sa showbiz ang mga magulang nito at isa na rin sa hinahangaan ng madla ang kakambal. “You’re right and I’m really, really sorry, Blu.” “Zane, why would you do something like this? Why would imply something romantic is going on between Trutty and I when I told you I have someone?” Mukhang nagulat ang kaibigan. “There really is someone? Akala ko ay sinabi mo lang iyon para tigilan na namin ang panunukso.” “Hindi mo kami masisisi sa hindi paniniwala,” ani Kent Lauro. “You’ve never mentioned this someone before. You never introduced us to her. Hindi ka nagbigay ng kahit na munting indikasyon na may girlfriend ka.” “It’s... complicated.” Sa ibang pagkakataon marahil ay matatawa si Blumentritt sa paggamit niya ng phrase na iyon. “I will tell you all about it one day,” pangako niya gayunpaman. Pangako na intensiyon niyang tuparin. Tumingin siya kay Zane. Nagmamaliw na ang inis na kanyang nadarama para sa kaibigan. Napatawad na niya kaagad ito dahil naniniwala naman siyang wala itong intensiyong hindi maganda. He had been just frustrated. And tired. Kasalanan niya kung tutuusin. “Sorry, Zane, Kent. Sorry for snapping.” “No, we’re—“ Tumalikod na si Blumentritt at hindi pinakinggan ang mga kaibigan. Mamayang gabi pa ang show nila. Wala sa plano ngunit kailangan niyang magtungo sa ospital ngayong umaga.  Nakasalubong niya si Tutti sa may pintuan habang palabas ng bahay. “Okay ka lang?” tanong nito, bahagyang nakakunot ang noo. Tumango siya. “I have to head out. Kikitain ko na lang kayo sa venue.” “Blu—“ “I’ll be on time. Don’t worry.” Nais niyang tawagan si Trutty at alamin kung ano ang iniisip o nararamdaman nito sa kasalukuyan. He wanted to make sure she was okay. Pinigilan niya ang sarili. Siguro ay iisipin ng ilan na sobra ang naging reaksiyon niya. Baka nga hindi big deal kay Trutty ang paglabas ng larawan, ngunit hindi na niya malaman kung paano pakikitunguhan ang magkakasalungat na damdamin. Wala ang private nurse ni Alana pagdating sa hospital room. Wala siyang gaanong enerhiya para alamin kung bakit wala roon ang nurse/companion. Tahimik na tahimik doon. Nanghihina na naupo siya sa upuang nasa tabi ng kama. Inabot niya ang kamay ni Alana at hinagkan. “Would you hate me if I’ll be honest with you and tell you that sometimes I wish you’d give up? I’m the most hateful man in the planet, am I not? May pagkakataon na sinasabi ko sa sarili ko na para rin iyon sa `yo. Kasi nahihirapan ka na. Kasi baka pagod ka na sa kakalaban, sa kakakapit. Pero siguro ay mas nahihirapan ako sa sitwasyon. Mas napapagod sa paghihintay, sa pag-asa. May pagkakataon na masayang-masaya ako at pinipigilan ko ang sarili ko dahil narito ka at wala na si Kuya. I can’t be happy. I don’t deserve it. I’m not yet forgiven. At nakakapagod iyong ganoong pakiramdam, Alana. Nakakapagod ma-guilty. Nakakapagod sawayin ang sarili. Nakakapagod magpigil ng nararamdaman.” Ilang sandali muna siyang nanahimik at kinalma ang sarili bago nagpatuloy. “I know it had only been two years, Alana. I’m sorry dahil alam kong hindi ako dapat nakakaramdam ng ganito. In my mind, I imagine you’d understand. Kung kaya mo lang ay sasabihin mo siguro na okay lang. I’m just human. Minsan ay iyon ang mas masakit. Iyong kaalaman na maiintindihan mo `ko. Ganoon ka kasi.” Hindi sanay si Blumentritt na nagsasabi ng nararamdaman. Hindi siya ang tipo na dumadaldal kahit na sa malalapit na kaibigan. Nagkaroon siya ng girlfriends noong high school, dates noong college. Ang isang reklamo ng mga ito ay ang kawalan niya ng kakayahang makipag-communicate. Ganoon din ang sinabi sa kanya ni Alana noong nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. She wanted to know so much about him. Hindi siya nito tinigilan sa katatanong, sa kauusisa tungkol sa kanyang buhay. Iba nga lang ang naging reaksiyon niya sa pangungulit ng dalaga sa pangungulit ng ibang babaeng napaugnay sa kanya. He was fascinated with the fascination in her eyes. Fascination for him. Fascination sa kuwento ng buhay niya at sa mga bagay na kaya niyang gawin. Blumentritt adored Alana. Naging madali ang pagbabahagi. Dahil na rin siguro sa alam na nito ang totoong kuwento. Naging madali ang pagsasabi ng nararamdaman.  Ang sabi nila ay nakakarinig pa rin ang mga taong comatosed. Hearing was the last sense to go. Blumentritt wanted to believe his Alana was still there despite what some of the doctors told him. Kaya sinisikap niyang makipag-usap kahit na nahihirapan siya. Hindi niya inakala na darating ang panahon na mahihirapan siyang kausapin si Alana. Hindi niya inakala na may mga bagay siyang hindi masasabi sa dalaga. He kept on talking as much as possible anyway. Mas madalas siyang tumugtog ngunit naglalaan siya ng ilang minuto para makipag-usap. “I’m sorry, Alana. I’m really sorry. But I’m not giving up. Hindi kita susukuan hanggang sa hindi mo pa ako sinusukuan.” Ilang sandali pa siyang nanatili sa silid hanggang sa kinailangan na niyang tumayo at umalis upang makarating sa oras ng show nila. May bahagi sa kanya ang nais manatili sa kinaroroonan at mawalan ng pakialam sa lahat ngunit hindi niya iyon magagawa sa mga kasama, kay Vann Allen. Naibibigay ang halos lahat ng kailangan ni Alana dahil sa pagiging miyembro niya ng The Charmings. Hindi rin niya maaaring dismayahin ang mga taga-suporta nila. He was a professional. Ngunit may munting tinig din na nagsasabi na nais lang talaga niyang umalis sa silid na iyon. Hindi na niya matagalan ang katahimikan. He yearned for the noise outside. Music. Fans screaming. Smiles. Laughter. Trutty.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD