8

2716 Words
ANG PARTIKULAR na workshop na iyon ay paborito ni Trutty. It was high-ceilinged and very spacious. May malalaking mga bodega at pabrika sila para sa Tutti & Trutty. Ang partikular na workshop na iyon ay para sa ibang clothing line ni Trutty na Tru. Iyon ang line na kanya lang talaga, hindi kasama ang kakambal niya. The line was exclusively for women. She had partnered with DSWD so most of her employees were people with disability. Ang iba naman ay mga abused wives. Naroon ang pinakapinagkakatiwalaan niyang mananahi na si Manang Aryan. She had been with her for almost ten years. Isang single mother ang ginang at napagtapos na nito ang panganay na anak sa pananahi kay Trutty. Naroon si Trutty para sa staff meeting at para na rin ibigay ang mga panibagong designs na tatrabahuhin ng mga ito. Tumanggap din siya ng ilang suhestiyon at designs. She loved meeting her employees. She learned so much from them. Patapos na ang meeting nang sabihin ni Manang Aryan sa kanya na naroon ang kakambal niya. “Hey,” pagbati ni Trutty kay Tutti matapos niyang hagkan ang pisngi nito. Pinagtatakhan niya ang presensiya nito roon. Hindi naman sa hindi nito gawain ang ganoon. Alam lang niya na halos wala ng tulog ang kapatid sa nakalipas na tatlong araw dahil sa sunod-sunod na gig. “Hindi mo sinabi na darating ka.” “I just missed you. Hindi ka tumatawag o nagte-text man lang.”  Nabasa ni Trutty ang labis na pagtataka sa mga mata ng kapatid. Sinikap niya na huwag ipakita ang guilt sa ekspresyon ng kanyang mukha. “I’ve been busy, kambal.” “Kahit na gaano ka kaabala ay naaalala mong mag-text at mangumusta dati. I’m kind of worried.” Sinikap ni Trutty na panatilihin ang masiglang ngiti sa kanyang mga labi. Anak siya ng dalawang mahusay na artista kaya innate marahil ang husay niya sa pag-arte. “Ano naman ang dahilan ng pag-aalala na iyan?” “You tell me.” “There’s nothing to tell.” Kunot ang noo na pinagmasdan niya ang kapatid. “Are you so bored you’re imagining things?” pagbibiro pa niya. Bahagyang naningkit ang mga mata ng kakambal. “Noong bigla ka na lang umalis at magbakasyon ng halos dalawang buwan, hindi ako nagsalita kahit na may naramdaman akong kakaiba. When you came back, you seemed happier kaya binalewala ko ang suspetsa ko dati. Pero ngayon uli... Alam kong may hindi ka sinasabi sa akin.” “It’s nothing,” aniya habang hindi makatingin sa kakambal. Kunwari ay abala siya sa pagtingin sa trabaho ng mga empleyado. Narinig ni Trutty ang pagbuntong-hininga ni Tutti sa kanyang likuran. “Can you stop for a minute and talk? Alam mo kung anong klaseng traffic ang sinuong ko para lang makarating dito.” “Hindi ko naman kasi sinabi na magpunta ka rito.” “Really?” Lalong sumidhi ang guilt na nadarama ni Trutty. Her twin brother loved her. Tutti would do anything for her. Hindi naman sa hindi niya mapagkakatiwalaan ang kakambal sa kanyang sekretong damdamin. Ayaw lang niyang maging awkward ang lahat. Ayaw niyang magkaroon ng lamat ang magandang samahan ng The Charmings dahil sa nararamdaman niyang hindi masuklian. Nagtungo si Trutty sa opisinang madalas niyang gamitin kapag naroon siya. Maliit lamang iyon at mga basic na kagamitan ang naroon.  “Ang sabi ni Zane ay hindi mo sinasagot ang mga tawag at text niya. He’s in the impression that you’re mad at him. I assured him you’re not. You’re just acting wierd, like Blu. I told him about our magical twinsy bond at naniwala naman siya.” Sinalubong ni Tutti ang mga mata ni Trutty. Hinihintay nitong magkusa siyang sabihin ang tungkol sa larawang ipinost ni Zane sa i********:. Everyone was still talking about it. Everyone loved the idea of Trutty and Blu together. Ayon sa kanyang assistant ay dumarami na ang fanfictions at fan arts na naglilipana sa social media. Mabilis nabuo ang fan’s club. Trutty turned the notification alerts off on her phone. Hindi muna siya sumilip sa kanyang mga social media accounts. Dahil nang minsang gawin niya iyon ay halos hindi niya napigilan ang pag-ahon ng ligaya at pag-asa sa kanyang puso. Parang nais niyang maniwala sa mga sinasabi ng ilan tungkol sa pagiging perpekto nila sa isa’t isa. Stupid magical twinsy bond. Iniiwas ni Trutty ang mga mata. Totoo ang kakaibang bond na iyon ng magkapatid.  Napabuntong-hininga si Tutti nang lumipas na ang mahabang sandali at wala pa ring sinasabing anuman si Trutty. “I know you’re smart and all, Tru. You’re amazingly gifted and wonderful. You are in so many levels better than me.” “Hindi iyan totoo, Tu.” “I’m not insecure. Sinasabi ko lang kung gaano ka kahusay. Pero alam ko na sa ilang aspeto ng buhay ay hindi ka gaanong... experienced. I don’t know how you deal with things.” Mukhang habang lumilipas ang bawat sandali ay mas hindi nagiging komportable ang kapatid. Ngayon lang yata nangyari iyon. Palagi silang komportable sa isa’t isa. Kaya nilang pag-usapan ang kahit na ano. Hindi komportable dahil damay ang malapit nitong kaibigan kahit na hindi nila tuwirang ihayag. Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Tutti bago nagpatuloy. “Okay, I will only ask one time. This time. I want you to be honest with me. Mararamdaman ko kung magsisinungaling ka. Are you in love with—“ “I have a date. Tomorrow.”  Bahagyang nalito si Tutti. Waring hindi nito malaman kung paano tutugon matapos niyang putulin ang sinasabi nito. “You’re going out on a date?” Tumango si Trutty. Sinikap niyang panatilihin ang kaswal na ekspresyon na mukha. Nanalangin din siya na sana ay hindi nito maramdaman na hindi siya gaanong nagsasabi nang totoo. She was meeting someone at lunch tomorrow. He just happened to be a guy and single. “Naalala mo ang kaibigan kong si Bea? She owns a few restos in the metro. Her daughter models for our kids apparel.” “Yeah. I remember her. You belong in the same club. Club na ang mga eksklusibong miyembro ay successful and wealthy people under thirty. The young millionare’s club.” “I’m meeting a close friend of hers. Halos kapatid na nga ang turing niya. He’s a doctor. And he’s got the cutest name. Andres. Dr. Andres Asuncion.” Ilang sandali na mataman siyang pinagmasdan ni Tutti. “You are dating?” paglilinaw nito. “Bakit ganyan ang tono at mukha mo, ha?” wika ni Trutty sa magaang tinig. Ngunit may bahagi sa kanya ang waring nais mainsulto. “Wala ba akong karapatang makipag-date?”  “Are you sure this is what you want? What you need? Hindi ka lang umiiwas o nagpapa-distract?” Nagkibit ng balikat si Trutty, sinikap na mas pakaswalin pa ang kilos. Ang totoo ay hindi niya sigurado. Isa pa, wala naman talaga siyang date. Hindi niya sigurado kung nais nga ba niyang makipag-date nang totoo. Kahit na para umiwas o magpa-distract. “Hindi mo sinagot ang tanong ko.” Nanahimik si Trutty. Napabuntong-hininga si Tutti. “Blu is a good man. I like him. I like him as a friend, as an artist. I can like him for you.” “We’ll see,” ang sabi na lang ni Trutty. “Things can be complicated, you know.” “I don’t see how.” Maging si Trutty ay hindi rin makita kung bakit kailangang maging komplikado ng lahat. They were perfect for each other, ang sabi ng kanyang puso. Ngunit hindi lang naman kasi ang puso niya ang magpapasya. Hindi lang tinig nito ang dapat pakinggan. Hindi lang siya ang dapat na magmamahal. Nakahinga nang maluwag si Trutty nang magpaalam na ang kapatid. Naupo siya sa swivel chair at pinagmasdan ang pader. Almost three months ago, she was the girl in love brimming with hope and happiness. Halos nakasisiguro siya na magiging maayos ang lahat para sa kanila ni Blumentritt. Mala-fairy tale katulad ng mga nababasa at napapanood niya. One time, she asked Blumentritt to be her date on a friend’s party. Noong una ay tinatanggihan siya nito. He was not a sociable person. Ngunit tinawagan siya nito at tinanong siya kung ano ang maaaring isuot. Nagpakakaswal si Trutty mula pagsundo sa kanya ni Blumentritt hanggang sa pagdating nila sa party ng kaibigan, ngunit hindi maipaliwanag ang kasiyahan niya sa loob. “This is not bad, Charles,” ang nakangiting sabi ni Blumentritt kay Trutty pagkatapos ng kalahating oras sa party. “It’s a great party,” ang tugon ni Trutty habang tumatango-tango, ngiting-ngiti. “Hindi kita maiisipang dalhin dito kung hindi.” The party was not too loud or too wild. Kaunti lang ang imbitado sa party na iyon at halos lahat ay kasundo ni Trutty. Almost everyone were good and talented people. Halos lahat ay artists. Conversations were light, fun, and smart. Food and drinks were great. Music was also good. They had so much fun. They danced and laughed with each other and with other people. Parang noon lang nakita ni Trutty na nag-relax nang ganoon si Blumentritt na hindi kasama ang ibang Charmings. Halos hindi nila namamalayan na napaparami na ang nakokonsumo nilang inuming may alkohol. Dahil marahil sa bahagyang nawalan ng inhibisyon, touchy-feely si Trutty. O naging touchy-feely sila sa isa’t isa. Halos hindi nila namalayan na magkahugpong ang kanilang kamay sa halos lahat ng sandali. Kahit na nakaakbay na si Blumentritt ay magkahawak-kamay pa rin sila. Mas nagdidikit ang kanilang mga katawan, halos hindi mapaghiwalay.  “I think I’m drunk,” ang natatawang sabi ni Blumentritt nang lumabas sila sandali upang magpahangin. May maliit na hardin sa may venue. Banayad na natawa si Trutty habang nauupo sa isang wooden bench. “Ako rin yata.” Hindi gaanong totoo ang bagay na iyon. She was dizzy but her mind was clear and coherent. Hindi rin niya maikakaila ang kaligayahang pumupuno sa kanyang puso at buong pagkatao. Hindi na niya gustong matapos ang gabi. Hindi na niya gustong mawalay pa kay Blumentritt. Ibinagsak ni Blumentritt ang sarili sa tabi ni Trutty. Nagdikit ang kanilang balikat at hita. Hindi naman mukhang lasing ang binata ngunit halatang may tama nga ng alkohol. He was smiling widely. Halos hindi mabura ang magandang ngiti na iyon sa mga labi nito. Noon lang niya nakitang kuminang nang ganoon ang mga mata nito sa kaligayahan. Trutty thought it was the first time she saw Blumentritt that carefree. Nais niyang paniwalaan na siya ang dahilan ng kaligayahan na iyon. Nais niyang papaniwalain ang sarili na kaya niyang paligayahin si Blumentritt at hindi iyon kayang gawin ng ibang babae. Nang lingunin ni Trutty si Blumentritt, natagpuan niyang minamasdan na ng binata ang kanyang mukha. Bahagyang nagmaliw ang ngiti sa mga labi nito nang magsalubong ang kanilang mga mata. Ramdam ni Trutty ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso ngunit hindi niya magawang ilihis ang mga mata kay Blumentritt. Pinanood niya ang unti-unting pagbabago sa mga mata nito. Sanay si Trutty na nakikita ang fondness sa mga mata ni Blumentritt. Halos pareho iyon sa nakikita niya sa ibang kagrupo ng kapatid. Maraming pagkakataon na kinaiinisan niya ang ganoong tingin. Hindi siya tinitingnan nang ganoon ni Blumentritt sa kasalukuyan. Naroon pa rin ang fondness ngunit waring mas mainit at mas marubdob. Waring may nais sabihin ang mga mata nito sa kanya. Wala siyang gaanong karanasan sa mga ganoong bagay kaya hindi niya sigurado kung ano ang maaari nitong nais sabihin. Sa palagay ni Trutty ay nasagot iyon nang bigla na lang inilapit ni Blumentritt ang mukha sa kanya. Ang sunod niyang namalayan ay magkahugpong na ang kanilang mga labi. Dahil nagulat, iniatras niya ang ulo. Namimilog ang kanyang mga mata sa gulat. Waring hindi naman nagulat si Blumentritt sa ginawa. Wala rin siyang nabasang pagsisisi sa mga mata nito. Their eyes stayed focused on each other. Nagtungo ang kamay ni Blumentritt sa likod ng ulo ni Trutty. Hindi siya nagprotesta nang hilahin siya nito palapit. Bago pa man muling maglapat ang kanilang mga labi ay naipikit na niya ang mga mata. Hinayaan niyang hagkan siya nito. His lips were gentle and soft against her lips. Hindi nagtagal ay ibinuka na rin ni Trutty ang mga labi at sinimulan ang pagtugon. It was not her first kiss but it was her first real kiss. The kind of kiss she only read on romantic books. Iyong halik na parang may fireworks. Iyong halik na hindi lang basta naglapat ang mga labi. Iyong halik na may kakaibang tamis, may kalakip na  pagmamahal. Ang buong akala ni Trutty ay simula na ng kanyang happy ever after kasama si Blumentritt. Ganoon naman sa mga romantic flims at romantic books, hindi ba? Tama rin naman siya. Credits were about to roll after the kiss. Natapos na ang pelikula. Natapos din ang pantasya ni Trutty. Ngiting-ngiti si Trutty nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Sa kanyang palagay ay malinaw na nakasulat sa kanyang mga mata ang kasalukuyang nadarama. Hindi niya maipaliwanag ang kaligayahan na pumupuno sa kanyang puso. Ngunit mabilis na nabawasan ang kaligayahan na iyon nang makita ang ekspresyon ng mukha ni Blumentritt. He was far from being happy and in love. He looked tortured and miserable.  Nagsalubong ang mga kilay ni Trutty sa labis na pagtataka. Bakit ganoon ang mga mata nito? Ano ang nangyari? Halos wala sa loob na nasapo ng isa niyang kamay ang pisngi nito. Halos wala rin sa loob na hinagkan nito ang kanyang palad. Ibinuka niya ang bibig upang magtanong ngunit naunahan siya ni Blumentritt sa pagsasalita. “I don’t wanna be like my dad.” Nagsalubong ang mga kilay ni Trutty. Hindi niya naintindihan ang sinasabi sa kanya ni Blumentritt. Hindi niya maintindihan kung bakit labis-labis ang kalungkutan sa mga mata nito. Kanina lang ay kumikinang sa kaligayahan ang mga matang iyon. “I’ve committed myself to someone else,” pabulong na sabi ni Blumentritt. “I can’t do this to you, to her. I’m sorry.” Napatulala si Trutty. Hindi niya sigurado kung ano ang unang mararamdaman. Hindi pa rin niya gaanong maintindihan ang mga sinasabi nito maliban sa mayroong iba at hindi siya puwede. Nasaktan siya. Nais niyang magalit. Ngunit hindi rin niya gaanong tinanggap sa sarili na naging ganoon ang sitwasyon. Bakit ganoon ang kinahinatnan ng isang magandang gabi? “You’re a very wonderful girl, Tru. Very, very nice girl. I’m not the man for you.” “S-so...” Napalunok si Trutty bago ipinagpatuloy ang sinasabi. “So the kiss never happened?” Hindi niya mapigilan ang paglitaw ng sarkasmo sa kanyang tinig. Mas nananaig ang inis at galit sa mga emosyong kanyang nadarama. Nais niyang ipaalala kung sino ang naunang humalik. Walang karapatang magsisi si Blumentritt. “Yes, the kiss never happened.”  Magagalit na sana nang lubusan si Trutty ngunit napigilan iyon nang makita na mas sumidhi ang kalungkutan at kamiserablehan sa mga mata ni Blumentritt. Itinikom niya ang bibig at tumingin sa unahan. Mataman siyang nag-isip. Maraming tanong na nabuo sa kanyang isipan ngunit hindi niya magawang isatinig. May pakiramdam din kasi siya na walang masasagot sa mga katanungan na iyon. “Okay, the kiss never happened.” Napabuntong-hininga si Trutty at inalis ang mga mata sa pader. Pumayag siyang magkunwari na walang nangyaring halikan sa pagitan nila ngunit umasa pa rin ang kanyang puso na hindi nito talaga kalilimutan o babalewalain ang nangyari sa kanila nang gabing iyon. Ngunit may isang salita si Blumentritt kahit na medyo lasing nang gabing iyon. They never talked about the kiss. Sa katunayan, parang walang nangyari. At mas masakit ang ganoon para kay Trutty.  Imbes na hayaan na masaktan ang sarili, nagbakasyon si Trutty sa malayo. Nais niyang sanayin uli ang sarili na walang Blumentritt. Sinubukan niyang huwag nang gaanong pakaisipin pa ang binata na bumihag sa kanyang puso. Kinalimutan niya ang halik na pinaniwalaan niyang katumbas ng “true love’s kiss” sa mga fairy tale books. Umaasa pa rin si Trutty na may magbabago sa sitwasyon nila ni Blumentritt. Mahirap mang aminin iyon sa sarili, iyon pa rin ang katotohanan. Kung makikilala marahil niya ang babaeng pinagbigyan na nito ng loyalty nito ay saka lang magbabago ang kanyang pananaw sa mga bagay-bagay. Muling napabuntong-hininga si Trutty. Naitanong niya kung bakit mas nais niyang pahirapan pa ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD