9

1990 Words
PINAGMASDAN NI Trutty si Dr. Andres Asuncion, ang binata na kaharap. Hindi naman maituturing na guwapo si Andres, kung tutuusin. Ito ang madalas na sabihan na malakas ang s*x appeal. He was not a pretty boy, not an eye candy. Ngunit hindi pa rin maipaliwanag ang pang-akit at panghatak nito. Ang tipo nito ang hindi pinagsasawaang pagmasdan, hindi nakakaumay. Nakikita ni Trutty ang appeal ng binatang kaharap ngunit hindi pumipitlag ang kanyang puso. She very much appreciated his beauty though. “I can’t thank you enough for doing this, Miss Madrigal.” Nginitian ni Trutty si Andres. His eyes were so sincere. Bea already told him how passionate this man had always been in helping unprevileged kids. Kasalukuyan silang nasa hospital cafeteria ng Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital upang maibigay niya ang tseke para sa mga batang in-sponsor-an niya para maranasan ang Disney Cruise Line. All the children had a missing limb or two. Isang neurologist si Andres at hindi nito pasyente ang mga bata ngunit aktibo ang binata sa napakaraming charity program. Napakalaki ng puso nito na palaging handang tumulong. Naitanong tuloy ni Trutty kung bakit hindi pumipitlag ang puso niya para sa binatang kaharap. “Hindi mo ako kailangang pasalamatan. I’m happy to help in any way that I can. And you can call me ‘Trutty.’” “Medyo nahihiya pa nga ako sa `yo dahil ikaw pa talaga ang nagpunta rito para ibigay ang tseke. Ako na lang dapat ang nagpunta sa `yo.” “It’s okay. I know you’re busy being a doctor and all. Isa pa, libre naman ako.” “I should buy you a better lunch.” Tumingin si Trutty sa mga pagkain sa kanilang harapan. Hindi naman masama ang mga pagkain sa hospital cafeteria. Mukha na rin namang restaurant ang cafeteria sa pamantayan ng karaniwang tao. Ngayon ang huling araw na kailangan niyang maibigay ang tseke at kapwa sila naging abala sa mga nakaraang araw. Abala pa rin si Andres ngayon sa ospital kaya nag-volunteer si Trutty na siya na lamang ang magtutungo sa ospital. “We can do dinner some time,” ang sabi ni Trutty. Alam niya kung bakit sinabi niya ang bagay na iyon. Kahit na hindi pumipitlag ang kanyang puso, hindi naman masama kung maghihintay siya. Baka pumitlag din iyon kapag binigyan pa niya ng pagkakataon ang sarili. Andres looked like a good man. Kilala ang binata ng ilang mga malalapit niyang kaibigan at puro papuri ang naririnig niya mula sa mga ito. Hindi naman niya kailangang mag-isip nang labis-labis. It was just a dinner. Nais lang niyang makakita ng ibang lalaki. Nais niyang subukang gustuhin ang ibang lalaki. Isang matamis na ngiti ang iginawad ni Andres. Mas naging kaaya-aya ang mukha ng binata. Hindi pa rin magawang pumitlag ng puso ni Trutty, gayunpaman. “Sure. I’d love that.” Hindi masabi ni Trutty kung attracted sa kanya si Andres. He looked pleasant. Hindi niya makita ang init ng atraksiyon sa tingin nito katulad ng karaniwan niyang nakikita sa mga lalaking nagkagusto at nanligaw sa kanya. She decided that was a good thing. A refreshing start. “We’ll set a date.” “In that case, puwede ko bang makuha ang number mo?” Hindi na gaanong nag-isip si Trutty at ibinigay ang kanyang numero. Sa ibang lalaki at sa ibang pagkakataon ay hindi ganoon kadali ang isang dinner invitation para sa kanya. Hindi rin niya madalas ipamigay ang numero. Ngunit maganda ang pakiramdam niya sa isang ito. O sadyang pinipilit na lang niya ang kanyang sarili. Matapos mai-save ni Andres ang numero ni Trutty ay biglang tumunog ang aparato. “I’m sorry, I have to take this.” Hinintay muna ng binata ang pagtango ni Trutty bago nito sinagot ang telepono. It was about work base on medical lingo she had heard he used. Pagkatapos ng pakikipag-usap nito sa telepono ay apologetic na napatingin sa kanya ang binata. “It’s okay,” ang nakangiting sabi ni Trutty bago pa man makapagsalita si Andres. “Na-orient na ako kung gaano ka ka-busy. You can go and save some lives.” “Babawi ako sa `yo sa ibang pagkakataon.” Pagtayo ni Andres ay tumayo na rin si Trutty. “I’ll call you about that dinner.” “Yes, do that.” “Thank you so much, Trutty.” “You’re welcome, Andres.” “I’ll see you again soon.” Tumango si Trutty at kinawayan ang papalayong si Andres. Naupo siyang muli at naitanong sa sarili kung tama ba ang kanyang ginagawa. Kaagad niyang ikinatwiran na wala naman siyang talagang ginagawa. Sinusubukan lang niya. Hindi naman masama kung mas kikilalanin niya ang isang mabuting lalaki na katulad ni Andres. Hindi sa ginagawa niyang panakip-butas ang bagong kakilala at kaibigan. Nais lang niyang malaman kung maaari niyang bigyan ng pagkakataon ang ibang lalaki. May malaking bahagi sa puso ni Trutty ang tumatanggi ngunit hindi niya gaanong pinakinggan o pinagtuunan ng pansin. Siguro ay ganoon talaga sa simula. Mahirap sanayin ang puso. Napapabuntong-hininga na tumayo na uli siya at isinukbit ang bag sa balikat. Libre na ang hapon niya ngunit hindi niya sigurado kung saan siya maaaring magtungo. Puro may trabaho ang kanyang mga kaibigan sa kasalukuyan. Siguro ay tatambay na lang siya sa paborito niyang coffee shop at pupunuin ang isang sketch pad ng mga bagong designs. Liliko na sana si Trutty sa pasilyo patungo sa lobby nang may tumawid na lalaki. Pamilyar kay Trutty ang bulto. Dahil nakatuon ang mga mata sa unahan at bahagyang nakatungo ang ulo, hindi siya nito napansin. Bahagyang bumilis ang t***k ng puso ni Trutty. Nakasuot ang lalaki ng baseball cap ngunit makikilala pa rin niya ito kahit na saan. Kahit na mabilis lang nagdaan sa kanyang paningin, alam niyang hindi siya nagkamali. Si Blumentritt ang kanyang nakita. Ano ang ginagawa nito sa ospital? Was he sick or something? Kaagad umahon ang pag-aalala sa dibdib ni Trutty. Kusang tinungo ng kanyang mga paa ang direksiyong pinuntahan ni Blumentritt. Hindi na niya gaanong pinag-isipan kung tama ang kanyang ginagawa. Nais niyang malaman kung ano ang ginagawa ng binata sa ospital. Sumakay ng elevator si Blumentritt. Pagkasara ng pintuan ay lumapit si Trutty at mataman na binantayan ang pag-angat ng mga numero. Tinandaan niya ang numerong tinigilan ng elevator at sumakay sa katabing elevator. Narating ni Trutty ang palapag kung saan naroon ang mga private hospital suites. Mas lumalago ang pagtataka ni Trutty habang naglalakad sa tahimik na pasilyo. Lalong dumarami ang tanong sa kanyang isipan. Sa hindi rin maipaliwanag na dahilan, waring lumalago rin ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi niya sigurado kung paano niya hahanapin si Blumentritt sa mga silid na naroon. Sino ang naroon? Sino ang binibisita ni Blumentritt? Pagdaan niya sa isang silid ay bigla iyong bumukas. Wala sa loob na napalingon si Trutty roon. Namilog ang kanyang mga mata nang makita ang likuran ni Blumentritt. Nakaharap ang binata sa hospital bed kung saan may nakaratay na babae. Mabilis na mabilis lang sa paningin niya ang tagpo dahil muling isinara ng taong lumabas sa silid ang pintuan.  “Trutty?” Napatingin si Trutty sa babaeng kalalabas lang ng silid na kinaroroonan ni Blumentritt. Mas nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala ang kaharap. “Mrs. Tolentino?” Sa sobrang pagkagulat at pagtataka ay hindi niya sigurado kung may aktuwal na tinig na namutawi sa kanyang bibig. Ano ang ginagawa ni Mrs. Bernadette Tolentino roon? Paano ito napaugnay kay Blumentritt? “Ano po ang g-ginagawa n’yo rito?” Ilang sandali muna ang lumipas bago nakatugon si Mrs. Tolentino na waring nagulat din sa kanyang presensiya. “A-ako yata ang dapat na m-magtanong ng bagay na iyan, Trutty.” Halos wala sa loob na naituro ni Trutty ang pintuan. “Blu’s in there. You were in there? Magkakilala po kayo? Who’s that woman?” Tumikhim si Mrs. Tolentino. “Sa palagay ko ay hindi ko kailangang sagutin ang mga tanong mo, Trutty.” “But—“ “Everyone has the right to their privacy. I’m not obligated to answer your questions, Miss Madrigal.” Mukhang nakahuma na si Mrs. Tolentino dahil mas pormal at mas mariin na ang tinig nito. Naglaho ang lahat ng friendliness sa mukha ng ginang na kinagiliwan niya mula noong unang beses niyang iginawan ng gown. “Of course,” ani Trutty sa munting tinig. “I’m sorry.” Hindi na tumugon si Mrs. Tolentino, tinalikuran na siya nito at naglakad palayo. Puno ng katanungan na pinanood niya ang paglayo nito. Bakit hindi nito masagot ang kanyang simpleng katanungan? Totoong hindi nito kailangang sagutin ang kanyang mga tanong ngunit gaano ba kahirap magpaliwanag? Iba ang pakiramdam ni Trutty. Parang walang basehan ngunit pakiramdam niya ay may kailangan siyang malaman. Unti-unti niyang inabot ang knob ng pintuan. Nanginginig ang kanyang kamay. Hindi niya maipaliwanag ang kabang kanyang nadarama. “I’ve committed myself to someone else.” “Hey.” Kamuntikan nang mapatalon si Trutty nang makarinig ng pamilyar na tinig ng lalaki sa kanyang likuran. Kasabay niyon ay naramdaman niya ang pagdantay ng kamay sa kanyang balikat. Ang kamay na aabot sana sa door knob ay nasapo ang kanyang dibdib. Pakiramdam kasi niya ay nalaglag ang kanyang puso. She had to much excitement to last a month. “I’m sorry to startle you.” Napatingin si Trutty kay Andres. Nakangiti ang binata ngunit bahagyang alanganin. Nabasa rin niya ang bahid ng pagtataka sa mga mata nito. Nilingon uli ni Trutty ang pintuan na plano niyang pasukin. Sa huling sandali ay naduwag siya. Hindi niya sigurado kung nais niyang kumpirmahin ang ilang bagay. Humakbang siya palayo sa pintuan. Nakasunod si Andres, nagtatanong pa rin ang mga mata. “A-ano ang g-ginagawa mo rito?” tanong ni Trutty kay Andres nang bahagya na siyang makahuma. “Ako yata ang dapat na magtanong sa `yo niyan. Pero sasagutin pa rin kita. I have to attend to a patient there.” Itinuro ni Andres ang dulo ng pasilyo. “Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? You know the patient in that room?” Dumako ang mga mata nito sa pintuang kinaroroonan ni Blumentritt. Nag-alangan sandali si Trutty bago niya ibinuka ang bibig. “Madalas ka ba sa floor na ito? By any chance, do you know the patient in that room?” Hindi siya kailanman naging pakialamera o mausisa, ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Natatakot siyang harapin si Blumentritt, magtanong nang direkta. Ngunit kailangan niyang malaman ang ilang mga bagay-bagay. Mataman siyang pinagmasdan ni Andres, hindi kaagad sinagot. Naunawaan ni Trutty ang skepticism ng binatang doktor. Bukod sa hindi pa naman sila lubos na magkakilala, mayroong doctor-patient confedentiality na umiiral. Kahit na hindi na ipagpalagay na pasyente nito ang nasa silid na iyon, wala itong kalayaang magbigay ng impormasyon. Naghintay pa rin si Trutty, gayumpaman.  “She’s not my patient,” wika ni Andres makalipas ang ilang sandali. “Her name’s Alana.” “The guy... The guy who’s...” “The guy who visits her? That’s her boyfriend.” “S-she... H-how is s-she?” Narinig niya ang sinabi ni Andres na hindi nito pasyente ang babae, ngunit mukhang maraming alam ang binata tungkol sa babae, sa nobya ni Blumentritt. “She’s in coma.” Natulala si Trutty. Labis siyang nagulat. Hindi rin siya sigurado kung paano pakikitunguhan ang mga emosyong dumagsa sa kanya. Hindi niya sigurado kung ano ang unang iisipin. “Are you okay, Trutty? Namumutla ka.” Halos wala sa loob na napahawak si Trutty sa braso ni Andres. Para kasing babagsak siya anumang sandali. Blumentritt’s committment was in coma? “Bakit hindi sinabi ni Blu sa akin ang tungkol sa kanya?” Hindi alam ni Andres kung paano siya sasagutin. Nagpasalamat si Trutty nang igiya siya nito palayo roon at dalhin sa pinakamalapit na doctor’s lounge. Binigyan siya nito ng maiinom. Hindi siya nito kaagad inusisa. Hinayaan siya nito sa pananahimik at pagpoproseso nang nalaman. Hindi siya nito iniwan hanggang sa hindi siya ganap na nakakahuma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD