“NARIYAN NA kayong lahat? As in lahat?” tanong ni Trutty kay Tutti na kausap niya sa telepono. Bitbit ang isang basket ng bulaklak ay pumasok siya sa Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital.
Nagpakawala ng buntong-hininga si Tutti. “Oo, narito na po kaming lahat. As in lahat. Mayamaya lang ay magsisimula na ang recording. Bakit tanong ka nang tanong, ha?”
Nakagat ni Trutty ang ibabang labi. Nakailang beses na siyang tumawag sa kapatid upang siguruhin na nasa studio si Blumentritt at wala sa ospital. Natatakot siya na baka mahuli siya ng binata sa plano niyang gawin. Hindi ganap na mapawi ang kanyang pag-aalala kahit na sinabi na ng kakambal na kasama na nito si Blumentritt.
“Is there something going on Tru?” seryosong tanong ni Tutti.
“Of course wala.” Napangiwi si Trutty nang bahagyang pumiyok ang kanyang tinig. Nasisiguro niya na alam ng kakambal na nagsisinungaling siya. Nais niyang isumpa ang kanilang magical twinsy bond. “I have to go. Nangungumusta lang talaga ako. Hindi na ako tatawag. `Bye!” Hindi na niya hinintay na makatugon ang kakambal, pinutol na niya ang tawag. Upang masiguro na hindi siya makokontak ng kapatid ay pinatay niya ang cell phone.
Humugot ng malalim na hininga si Trutty bago siya sumakay ng elevator. Hindi pa rin niya sigurado kung magandang ideya ang plano niya. Baka hindi siya makapasok sa loob ng silid dahil wala naman siya sa visitor’s list. Natatakot siya sa magiging reaksiyon ni Blumentritt kapag nalaman nitong binisita niya ang girlfriend nito.
Hindi rin gaanong maipaliwanag ni Trutty sa sarili kung bakit kailangan niyang gawin ang bagay na ito. Bakit kailangan niyang pahirapan ang sarili? Hindi ba mas maigi nang wala siyang gaanong alam? Mas magiging madali ang mga bagay-bagay. Ngunit hindi siya mapakali. Halos hindi makatulog sa gabi. She kept on wondering and asking so many question. This was driving her crazy. She had to know her.
Imbes na dumeretso sa silid ni Alana ay pinuntahan muna ni Trutty si Andres. Ayon sa text nito ay nasa rehabilitation area ang doktor. Pagdating doon ay kaagad niyang namataan ang binata. Hindi pa siya nito nakikita dahil nakatuon ang atensiyon nito sa isang partikular na pasyente. Tahimik na tumabi si Trutty.
Kaagad siyang naramdaman ni Andres at nilingon. Kaagad gumuhit ang isang magandang ngiti sa mga labi nito pagkakita sa kanya. “Hi. Narito ka na pala.”
“Hello. Pasensiya ka na kung inaabala kita sa oras ng trabaho.” Totoong nahihiya si Trutty. Hindi pa sila ganoon kalapit sa isa’t isa para hingan niya ng malaking pabor. Umaasa siyang pagkakatiwalaan siya nito ngunit ganap niyang mauunawaan kung hindi siya nito mapagbibigyan.
“No, it’s okay,” wika ni Andres, mabait ang tinig.
Kahit na paano ay pahapyaw nang naikuwento ni Trutty kung bakit nais niyang makita si Alana. Naisip ni Trutty na medyo nakakatawa dahil sa isang estranghero niya unang ipinaalam ang talagang nadarama para kay Blumentritt.
Hinintay ni Trutty na matapos si Andres sa pasyente nito. Pinanood niya ang binata sa pakikitungo nito sa mga pasyente. Everyone could see that he was a good man, a good doctor. Base sa giliw na nababasa niya sa mukha ng pasyente, masasabing marunong at mabait din ang binata sa pasyente. Bahagya siyang nakalma.
Sinenyasan ni Andres ang nurse na nasa station pagdating nila sa palapag ni Alana. Ngumiti lang ang nurse at walang sinabi tungkol sa kanya. Kinuha ni Andres mula kay Trutty ang basket ng bulaklak at binuksan ang pintuan ng silid. Hindi makapasok sa loob si Trutty. Nanumbalik ang takot sa kanyang dibdib.
Waring naintindihan naman ni Andres ang pag-aalangan niya. “We can do this some other time.”
Umiling si Trutty “No, no. Masyado na kitang naaabala.” Pinilit niya ang sarili na humakbang papasok. Pagkasara ni Andres ng pintuan ay inilibot muna niya ang paningin sa paligid ng silid. The suite was lovely. Nakita ni Trutty na sinikap gawing cozy at homey ang lugar ngunit hindi pa rin maipagkakailang ospital sa dami ng equipments. Kaagad napansin ni Trutty ang musical instruments at equipments sa loob. She guessed Alana loved music, too.
Inilapag ni Andres ang dala niyang bulaklak kasama ang iba pang mga bulaklak na naroon. Napansin niya na sariwa pa ang karamihan sa mga iyon. Galing bang lahat iyon kay Blumentritt o ang ilan ay sa kapamilya at kaibigan ni Alana?
Nang wala nang mausisa sa loob ng silid si Trutty ay napilitan na siyang tumingin sa babaeng nakaratay sa isang magandang hospital bed. Dahan-dahan niyang inihakbang ang mga paa palapit. Sunod-sunod ang naging paglunok. Naririnig niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Hindi niya hiniwalayan ng tingin ang babae sa kama, si Alana.
Alana was a beautiful girl. She had a lovely sweet face. Mukhang payapa ang mukha nito. habang tumatagal na tinitingnan ni Trutty ang dalaga ay waring nabubuo ang isang ngiti sa mga labi nito. Parang natutulog lang ang dalaga.
Sa totoo lang, hindi malaman ni Trutty ang mararamdaman. Pinagmamasdan niya ang babaeng minamahal ng lalaking minamahal niya. Hindi siya maaaring magselos o magalit dahil unang-una ay wala siyang karapatan. Pangalawa, hindi siya maaaring makaramdam ng anumang emosyong negatibo sa isang katulad nito na nasa ganoong kalagayan.
Tumingin si Trutty kay Andres. Bahagya niyang ikinagulat ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin kay Alana. He was looking at her like he cherished her. Bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. Nadagdagan ang mga tanong sa kanyang isipan.
Tumikhim si Trutty bago nagsalita sa pabulong na paraan. “Ang sabi mo ay hindi mo siya pasyente,” panimula niya sa tinig na nahiling niyang sana ay kaswal. “Why do I feel that you’re f-familiar with her? Are you friends before...? Are you friends with Blu?”
Ilang sandali muna ang lumipas bago siya sinagot ni Andres. “Nakapanood ka na ba ng medical shows sa TV?”
Nagtaka man sa tanong na iyon ay sumagot pa rin si Trutty. “Yeah, I guess. Once in a while.”
“There’s always this scene. Tumatambay ang mga protagonists—interns or doctors—sa kuwarto ng comatosed patients dahil tahimik roon. They sleep, study, or just gossip. That’s how I—we found her. I have a friend, Astrid. She’s in surgery department. One night, we were so tired and we randomly chose a room.”
“Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko sa sinabi mong iyan,” pag-amin ni Trutty.
“Hindi naman namin nilalapastangan ang mga pasyente na nasa ganitong estado. Minsan lang ay punuan ang doctor’s lounge o masyadong maingay. Paano ko ba ipapaliwanag? This place... this room is warm and relaxing. Hindi ko mai-explain talaga and I’m usually good with explaining. Siguro, sadyang hindi naipapaliwanag sa salita, nararamdaman na lang.” Ibinalik ni Andres ang paningin kay Alana. “I like being here. I like talking to her. Nakakatawa siguro o hindi mapaniwalaan pero ganoon talaga ang pakiramdam na naibibigay niya. Maybe because she somehow reminds me of my late younger sister. Alam kong mali pero naisip kong wala rin namang mawawala sa aming pareho. May personal nurse siya sa umaga pero wala siyang kasa-kasama sa gabi. May ilang buwan na puro ako night duty.”
“Nasaan ang nurse niya ngayon?”
“On break siguro. She usually takes a lot of break. May mga tao na nababagot kausap ang isang taong hindi tumutugon. Hindi siguro ako katulad ng mga taong iyon.”
“Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ipinapaalam ni Blu ang tungkol sa kanya.”
“Sigurado ako na mayroong matibay na dahilan ang kaibigan mo.”
“I’m sure. Hindi ko lang maiwasang maramdaman na parang...” Napabuntong-hininga si Trutty. “It’s like all the things you believe you know in a person suddenly changes.”
Dahil lang nagkataon na totoong may ibang babae siyang minamahal? Pakiramdam mo ay hindi mo kilala si Blu dahil bigla ay mayroong Alana?
Sumama ang pakiramdam ni Trutty sa naisip. “I don’t think I should be here.”
“Me, too,” tugon ni Andres. “Pabalik na siguro ang nurse niya.”
Magkasabay na silang lumabas ng silid. Minasdan ni Andres ang suot na relong pambisig. “I can get away. Gusto mong kumain muna?”
Tumango si Trutty. May mga bagay siyang nais itanong kay Andres. Nagtungo sila sa isang tahimik na restaurant na malapit lamang sa ospital.
“Are you okay?” tanong ni Andres habang hinihintay ang kanilang pagkain.
“I don’t know,” ang tapat na tugon ni Trutty. “Is she gonna be okay? Marami namang cases na gumigising ang mga katulad niya, hindi ba?”
“She fell off a great height, Trutty. Maituturing nang isang malaking milagro na nakapasok siyang humihingi sa loob ng operating room. She had the best trauma surgeon that time. Dalawang taon na siya sa ganoong estado. Walang sumusuko, halos lahat ay umaasang isang araw ay gigising siya. Pero alam din ng lahat na hindi na maibabalik sa dati ang katawan niya. Napaghilom ng medisina at panahon ang ilang pinsala, pero may mga pinsala na mananatili.”
“You mean...?”
“Hindi ako pwedeng magbigay ng depinidong sagot dahil hindi pa naman siya nagigising. Hindi talaga ma-asses ng medical team ang extent ng damage. She has brain activity. It’s dwindling from time to time but her brain was coping and working.”
“Pakiramdam mo ba ay darating ang araw na magigising siya?”
“I believe in miracles, Trutty. I also believe in medicine. I know anything is possible in this day and age.”
Naitanong ni Trutty sa sarili kung umaasa siyang magigising din si Alana isa sa mga araw na ito. Hindi niya kilala ang babae upang magkaroon ng opinyon o anupaman. Pero hindi rin naman siya masamang tao para hangarin na huwag nang magising ang dalaga upang tuluyan nang mapasakanya si Blumentritt. Sumakatuwid, hindi na naman niya malaman kung ano ang mararamdaman.
“Thank you for helping me, Andres. Maraming salamat sa pagtitiwala.”
Hindi kaagad sumagot si Andres, mataman nitong pinagmasdan ang kanyang mukha. “You look overwhelmed, Trutty.”
“Noong unang beses sinabi sa akin ni Blu na mayroong iba, hindi ako kaagad naniwala kasi wala akong nakitang ibang babae sa buong panahon na nakilala ko siya. Siya ang tipo ng lalaki na parang hindi interesado sa mga babae. I found that refreshing. I believed we were close. So kung may iba, dapat ay alam ko. O alam ng kapatid ko at mga kasamahan nila. Paano niya naitago ang tungkol sa isang relasyon? Bakit niya itatago? Mas apektado ako sa paniniwala noon na sinabi niyang mayroong iba para hindi na lumago ang anumang nararamdaman ko para sa kanya. Rejection. Masakit din kaya sinikap kong tanggapin, mag-move on. Ngayon ay nakita ko na ang ibang babae. Hindi ko alam ang buong kuwento. Ang dami kong tanong. Ang dami kong gustong malaman.”
“Hindi ko sigurado kung may karapatan na akong magbigay ng kahit na anong uri ng payo sa `yo pero sasabihin ko pa rin. Bakit hindi mo harapin si Blu? Tanungin mo siya nang direkta. Alam kong madali para sa akin na sabihin at mahirap gawin para sa `yo pero sa paanong paraan mo pa malalaman ang totoo, ang buong kuwento? Kahit na ako ay hindi masasagot ang ilang katanungan mo. I talk to Alana, it’s not like she talks back.”
“May karapatan ba akong manghimasok, mang-usisa? May dahilan kung bakit itinatago ni Blu ang tungkol sa kanya. Ano lang ba ako sa kanya? Kaibigan.”
“Mahal mo siya. May karapatan ka.”