11

1234 Words
PINAG-ISIPAN NANG husto ni Trutty ang mga sinabi ni Andres sa kanya. Nabatid niyang tama ang sinabi ng bagong kaibigan. Kailangan niyang harapin si Blumentritt. Hindi siya komportableng alamin ang mga bagay-bagay sa palihim na paraan. Ngunit hindi pa rin madaling isagawa ang mga naisip. Hindi pa rin niya makalap ang lahat ng lakas ng loob na kailangan niya. Mas madalas na nadadaig siya ng karuwagan at takot. Hindi rin nakatulong ang kaabalahan ng The Charmings sa trabaho. Medyo kinakabahan nang araw na iyon si Trutty. Darating sa shop si Mrs. Bernadette Tolentino para sa final fitting ng gowns na ipinagawa nito sa kanya. Hindi niya nakakalimutan ang naging presensiya ng ginang sa ospital. Nais niyang malaman kung ano ang kaugnayan nito kay Alana o kay Blumentritt ngunit hindi niya alam kung sa paanong paraan siya magtatanong. Ni hindi niya sigurado kung dapat siyang magtanong. Mas maaga ng ilang minuto sa appointment time si Mrs. Bernadette Tolentino. Pormal ang ekspresyon ng mukha nito, wala ang karaniwang magiliw na ngiti para sa kanya. Sinikap ni Trutty na huwag gaanong magpaapekto sa nararamdamang kaba at ginawa ang trabaho. Wala naman siyang narinig na reklamo mula sa kanyang paboritong kliyente. “Everything seems fine. Wala naman pong gaanong alterations. Maipapadala ko na po ang gowns within this week,” wika ni Trutty habang abala sa pagtipa ang kanyang mga daliri sa hawak na tablet. “Do you have time for coffee today, Trutty?” ang tugon ni Mrs. Tolentino. Sandali lang nag-alangan si Trutty. “Of course, Mrs. Tolentino.” Sadyang wala siyang inilagay sa schedule niya sa araw na iyon. Kahit na walang konkretong plano, umasa pa rin siya na makakapag-usap sila ng ginang. Nagtungo sila sa isang tahimik na coffee shop. May VIP booth ang shop kaya may privacy silang dalawa. Hindi mapayapa ni Trutty ang nararamdaman. Alam niyang hindi magandang ideya ang caffeine sa kasalukuyan niyang estado ngunit um-order pa rin siya ng latte. “Nalaman ko na binisita mo si Alana sa ospital,” ang pormal na paninimula ni Mrs. Tolentino matapos mailapag sa kanilang harapan ang mga kape at croissant. “I mean no harm,” ang mabilis na depensa ni Trutty. “I was just-“ “Curious,” ang pagtatapos ni Mrs. Tolentino. Tumango si Trutty. “Curious” seemed to be a mild word but there was really no other description. “Nasa household na namin si Alana mula pa noong bata siya. Personally, espesyal sa akin ang batang iyon. Anak siya ng yaya ng anak ko. She was just a year old when her mother died protecting my child. I owe her mother a lot. Kaya naman sinustentuhan ko ang pag-aaral at pangangailangan niya sa napakahabang panahon. She’s a good and smart woman. Masikap, mabait at masiyahin. Masasabi ko na she’s the daughter I’ve always wanted to have. In a way, she reminds me of my old self. Napakaliwanag ng kanyang hinaharap. She can do so much in life. Kaya naman dagok na maituturing ang nangyari sa kanya. Nasa ganoon siyang kalagayan dahil iniligtas niya ang anak ko dahil sa babaeng naging dahilan din ng kamatayan ng kanyang ina.” Hindi makaimik si Trutty. Iniisip niya kung paano itatanong ang tungkol sa kaugnayan ni Alana kay Blumentritt, ang kaugnayan ni Mrs. Tolentino kay Blumentritt. “Ano ang ginagawa mo rito?” Nanigas ang buong katawan ni Trutty nang marinig ang pamilyar na tinig ni Blumentritt. Namimilog ang mga matang napatingin siya kay Mrs. Tolentino. “I asked him to come. I had to pull some string to cancel an event for this meeting.” Hindi humihinga na nilingon ni Trutty ang pinanggalingan ng tinig. Mukhang nagulat din nang husto si Blumentritt na makita siyang naroon kasama ni Mrs. Tolentino. Tumingin ang binata sa direksiyon palabas ng coffee shop. May munting bahagi man kay Trutty na mas gustong umalis na lang si Blumentritt, nabatid niyang mas nais niyang malaman na ang mga bagay-bagay. Ibinalik ni Blumentritt ang paningin sa kanya. Nabasa ni Trutty ang resignation. Napabuntong-hininga muna ang binata bago lumapit sa kanila. Inabot nito ang kamay ni Mrs. Tolentino, nagmano at hinagkan ang pisngi ng ginang bago naupo sa tabi niya. “Magkakilala na pala kayong dalawa,” ang sabi ni Blumentritt, may tensiyon sa tinig. “Siya ang gumagawa ng mga paborito kong gowns,” ang tugon ni Mrs. Tolentino. “Sinubukan ko ang serbisyo niya dahil malapit kayong magkaibigan. Hindi ko inakala na magugustuhan ko nang husto ang mga designs niya.” “She’s very good,” ang halos wala sa loob na sabi ni Blumentritt. Isang tanong ang naglalaro sa isipan ni Trutty sa kasalukuyan. Ano ang ugnayan nina Mrs. Tolentino at Blumentritt?  Waring nabasa kaagad ni Blumentritt ang tanong na iyon. “She’s my mother.” Marahas na nilingon ni Trutty si Blumentritt. Narinig niya ang pagsinghap ni Mrs. Tolentino. “P-pero nasa Amerika ang parents mo. N-nakita ko ang p-picture nila.” Labis siyang naguguluhan. Pagkatapos ay naalala niya ang sinabi nito tungkol sa pagiging ampon nito. “She’s my biological mother,” ang pagkumpirma ni Blumentritt habang nakatingin kay Mrs. Tolentino. Isang realisasyon ang tumimo sa utak ni Trutty. “You’re... you’re the former president’s grandson?” Naitanong ni Trutty kung bakit sunod-sunod ang sorpresa. Lalong hindi niya malaman kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon. Alam niyang may malaking kuwento pa sa likod niyon pero hindi niya sigurado kung nais niyang malaman kaagad. Nang bahagyang makahuma si Trutty, nakita niya ang ekspresyon ng mukha ni Mrs. Tolentino. Wala na ang ginang na puno ng kumpiyansa sa sarili. Mababakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nakatingin ang mga balisang mata kay Blumentritt. Inabot ni Blumentritt ang kamay ni Mrs. Tolentino na nakapatong sa ibabaw ng mesa. “Everything will be all right,” ang banayad nitong sabi sa ina. Waring may pumisil sa puso ni Trutty sa nakikitang kabanayaran sa mga mata ni Blumentritt para sa ina. Ipinatong ni Mrs. Tolentino ang isang kamay sa kamay na nakahawak sa isa nitong kamay. “Hindi sa pinangungunahan kita, Blu. I know you have your reasons for keeping things. Gusto ko lang na magkaroon ka ng kaibigan na mapagsasabihan. Kahit na isa lang. Alam kong kahit na paano ay nahihirapan ka. Nag-aalala ako. Kung hindi ka komportable...” “It’s okay, Mom,” ang sabi ni Blumentritt. “Mula sa simula ay alam ko naman pong hindi ko maaaring itago ang lahat habang-buhay. You’re also right. I could use a friend. Trutty’s perfect.” Hindi umimik si Trutty at hinayaan muna ang sarili na makahuma at maiproseso ang mga nalalaman niya. It took a little while to convince herself that surprising things were really happening. “I’ll leave for now,” ang wika ni Mrs. Tolentino. Siguro ay may ibang sinabi ang ginang bago iyon ngunit hindi tumimo sa isipan ni Trutty. Napatingin si Trutty kay Mrs. Tolentino na mabilis nang nakatayo. Nakaramdam siya ng panic. Hindi niya sigurado kung kaya na niyang mapag-isa kasama si Blumentritt. Banayad siyang nginitian ni Mrs. Tolentino. “I’ve always liked you, Trutty honey. Please, take good care of Blu.” Hindi na nakapagsalita si Trutty, pinanood na lang niyang lumayo si Mrs. Tolentino. “Your head must be spinning,” ani Blumentritt nang mawala na nang tuluyan sa kanilang paningin si Mrs. Tolentino. “You just have no idea,” ang tugon ni Trutty. “You wanna go somewhere?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD