PAGKAKITA NI Blumentritt sa ekspresyon ng mukha ni Meripen ay kaagad niyang nahulaan na may nangyari. Sa paningin ng iba, halos walang kaibahan iyon sa karaniwan nitong walang ekspresyong mukha ngunit sa nakalipas na mga taon ay natutunan na niyang basahin ang mga mata nito. Indikasyon din na may nangyari nang kaagad siya nitong lapitan pagkababa na pagkababa nila sa stage. Tapos na ang performance nila sa gabing iyon. “Kailangan na nating umalis,” ang sabi ni Meripen habang tinutulungan siyang alisin ang lapel mic na nakakabit sa kanya. Kaagad sumalakay ang kaba sa kanyang dibdib. “She resurfaced?” tanong ni Blumentritt habang iginigiya siya nito palabas ng venue. Matiwasay ang paglabas nila kaya malamang na inasikaso na iyon kanina ni Meripen. Nasa sasakyan na siya nang maalala na hi

