26

1923 Words

MAY BAGONG kliyente si Trutty na katatagpuin niya sa araw na iyon sa isang restaurant na nasa five-star hotel sa Makati. Asawa ang babae ng isang bilyonaryong Italyano. Filipina ang ginang at kauuwi lamang nito sa Pilipinas. Pinadalhan siya nito ng ilang larawan sa e-mail upang mabistahan at mapag-aralan na ang body type nito. Plano nitong magbakasyon ng ilang buwan sa Pilipinas at nais dumalo sa ilang pagtitipon. She needed a lot of gowns. Sa Italya pa lang ay nagpapalitan na sila ng e-mail. May ilang sketch at fabric samples na siyang naihanda. Pinagtatakhan ni Trutty kung bakit siya ang pinili nitong gumawa ng ilang susuutin sa pagtitipon. Napakaraming kilalang designer sa Italya. Maaaring ipadala na lang sa bansa ang mga damit. Flattered siya ngunit plano pa rin niyang itanong iyon sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD