31

2542 Words

ILANG SANDALI munang pinagmasdan ni Andres si Alana bago siya lumapit at naupo sa tabi nito sa wooden bench. Nasa hardin nang umagang iyon ang dalaga at waring malalim ang iniisip. Nilingon siya nito at halos awtomatiko ang pagkabuo ng ngiti sa mga labi.  Itinuon ni Andres ang mga mata sa harapan. She was too lovely and it was suddenly hard to breath. “Bakit ka ngumingiti palagi?” “Dahil nakakapagod ang pag-iyak.” Napailing-iling si Andres. “Parang mas nakakapagod ang pagngiti.” “O sige. Mas nakakaganda ang pagngiti.” “Kahit na hindi totoo?” “Paano mo nalaman na hindi totoo ang mga ngiti ko? Walang nakakapagsabi talaga.” Nagkibit ng balikat si Andres. Hindi rin niya sigurado kung paano niya nasasabi, basta alam lang niya kung totoo o hindi ang ngiti sa mga labi ng dalaga.  “Hindi m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD