Malungkot lang ako na tiningnan ni James at dahan-dahan siyang pumunta sa kaniyang kabinet at binuksan ito. Pumasok siya rito at hinintay namin siyang lumabas ngunit ilang sandali pa ay hindi siya lumabas kaya sinundan na namin siya. Nang makalapit kami sa kabinet ay nakatayo lang siya sa loob at nakatingin sa may sahig ng kabinet na para bang nalulungkot. Tumingin siya sa amin at tinuro iyon. Nagtataka naman namin siyang tiningnan kaya mas lumapit pa kami sa may kabinet. Nagtaka kami nang makitang nakasimento ang babang parte ng kabinet. Medyo may c***k pa ang sahig nitong kabinet at kapag hinampas mo ito ng ilang beses ay mawawarak ito. "May gusto ka bang ipakita sa amin sa sementong iyan?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman ito. "Anong gusto mong ipakita?" tanong ni Elle ngunit hin

