Kaagad naman na kumunot ang noo naming tatlo at pumasok upang tingnan ito. "Wala naman talagang bangkay diyan," sabi ng Daddy ni James. Napalingon kami sa kaniya. "Paano niyo nasabing may bangkay diyan?" dugtong nito at humarap sa mga Pulis. "Nang makauwi ako ay nandito na sila sa loob ng bahay ko. Ilang araw ko na rin silang nakikitang pa lakad-lakad sa labas ng bahay ko. Akala siguro nila ay diyan ko itinago ang kayamanan ko kaya nang mahuli ko sila, natakot ata sila na makulong at gumawa na lang sila ng kwento," sabi nito sa mga Pulis. "Hindi totoo 'yan! Sinungaling ka! Napakasama mo, pati sa pagpatay mo sa anak mo ay hindi ka nakokonsensya at talagang nagpapalusot ka pa!" nanggagalaiting sigaw ko. "Wala akong anak! Ang bata mo pa sinungaling ka na! Ganiyan ang ugali niyong mga mag

