Hinawakan ng nakababatang kapatid na lalaki ni Miss Gina ang mga kamay ni Miss Gina. Tingin ko ang pangalan niya ay Banhaw. "Ate, hindi po natin nagugustuhan kapag may pumapanaw sa ating lugar na ating katutubo. Mas lalong hindi namin magugustuhan kung kami ang magiging dahilan nang pagka-ubos ng iba pa nating mga kalahi," wika ni Banhaw. Nakakabilib na sa murang edad nito ay para bang matanda na ito kung mag-isip. Nagpabuhat naman sa kaniyang Ina ang kapatid niyang babae na si Marikit at niyakap si Miss Gina. "Huwag ka na pong umiyak ate Haliya, nangako po kayo sa'min na magiging matapang po kayo at tanging kabutihan lamang po ang gagawin mo. Huwag po kayong mag-alala ate Haliya, hihintayin po namin kayo sa tahanan ni Bathala," wika ni Marikit habang nakayakap kay Miss Gina. Haliya pal

