"Miss Gina! Pakiusap, itigil mo na ang ginagawa mo!" sigaw ko pero hindi siya nakikinig. Lumalakas na rin ang hangin sa paligid at anumang sandali ay mukhang matatapos na ang nangyayari at mukhang magtatagumpay siya sa kaniyang ginagawa. Tiningnan ko ang libro na nasa tabi niya at dahil busy siya sa kwintas ay pinalutang ko ang libro papalapit sa'kin at kaagad ko iyong hinawakan upang malaman ang kaniyang gagawin. Nang mahawakan ko ang libro ay pinakita nito sa'kin si Miss Gina na ngayon ay suot na ang kwintas ko na nilagyan niya ng engkantasyon. Tingin ko ay pinapakita sa'kin ng libro ang maaaring mangyari kung sakaling magtagumpay si Miss Gina. Nakita ko ang sarili ko sa malayo na nakahiga at duguan. Tingin ko ay wala na'kong buhay. Tumawa si Miss Gina dahilan para magkaroon ng kid

