"K-kaya po ba gano'n na lamang po ninyo tratuhin si Mama?" tanong ko kay Lola. Ang ibig kong sabihin ay ang pagtrato niya kay Mama katulad na lamang ng pagtrato sa'kin ni Mama noon. "Tama ka Stella, wala tayong ibang pwedeng mahalin maliban na lang sa susunod na tagapagmana ng kwintas. Sila lamang ang dapat nating mahalin, dahil sila lamang ang hindi tatablan ng sumpa," paliwanag ni Lola. Hindi ako makapaniwala habang tinitingnan sila. "I-iyon din ba ang dahilan kung bakit nawala sa'kin si Ethan? Kung bakit nagkaroon siya ng sakit na hindi malaman ng mga doktor?!" Nagsimula nang tumaas ang boses ko habang namumuo ang galit sa'kin. "Tama iha, pero kasalanan ko iyon. Hindi kita naprotektahan sa demonyong nakalaban ko noon. Napabilis niya ang sumpa ng kwintas kaya kahit na hindi ka pa na

