Parang sinaksak ang puso ko sa aking narinig. "A-ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ko. Kulang na lang ay umiyak ako ng dugo dahil kanina pa hindi matigil ang pag-iyak ko. Biglang umilaw ang mga kamay niya at sumenyas sa'kin na hawakan ko iyon kaya tiningnan ko iyon at dahan dahang hinawakan ang mga kamay niya. Nang maghawak ang kamay namin ay biglang umikot ang paligid at nagbago ang paligid. Ngayon ay nasa loob na kami ng dati naming bahay at nasa harap namin si Ethan na nakaluhod sa harap ni Mama. Sa tingin ko ay pinapakita ni Mama ang nangyari. Pinunasan ko ang mga luha ko upang makita siya nang malinaw. Napangiti ako nang mapait habang nakatingin sa kaniya. "Nagmamakaawa po ako sa inyo pakiusap, hayaan niyo po akong mahalin ang anak niyong si Stella," pakiusap ni Ethan sa h

