73

1987 Words

Ngayon na ang huling lamay ni Elle kaya maraming tao at puyatan talaga. "Nakikiramay ako," wika ni Tita Rose at niyakap si Tita Janice. Namamaga na ang mata ni Tita Janice at Lola Lindy sa kakaiyak. Umupo si Tita Rose at Tita Janice at nag-usap. "Nag-uumpisa pa lang kaming bumawi sa kaniya tapos kinuha na siya," wika ni Tita Janice at muling umiyak. Naiiyak na rin si Tita Rose habang hinahaplos ang likod niya. "Siya na lang 'yung natirang anak ko tapos masama pa ang pagkakatrato ko sa kaniya. Ang sama-sama kong magulang," dugtong pa ni Tita Janice. Naiiyak na rin ang mga taong naroon habang nakikinig sa kaniya. "Nung nawala 'yung una kong anak, sobrang sakit para sa'kin na Ina niya nung malaman kong pambubully ang sanhi ng pagkamatay niya. Inisip ko no'n na kasalanan ko kasi hindi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD