Ngayon ay nandito na kami sa kwarto ni Ethan at inaalalayan namin siya nila Brian at Cedric na humiga sa kama niya dahil nakatulog ito dahil sa kakaiyak at panghihina. Nang makahiga siya nang maayos ay lumabas na silang dalawa. Tiningnan ko muna siya kung okay lang ba siya at hinalikan ko muna siya sa noo bago ako lumabas. Dahan-dahan kong isinarado ang pinto nitong kwarto niya at bumaba sa sala nila Ethan. Tahimik lang kaming lahat at walang umiimik habang nakaupo lang kami rito sa sala nila. Pinoproseso pa rin namin ang nangyayari. Tumayo ako kaya nagtinginan sila sa'kin. "Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap si Elle pero nahanap ko na ang taong may gawa nito sa kaniya," wika ko dahilan para mapatayo sila. Galit ang bumalot sa kanilang lahat. "S-sino?! Sabihin mo sa'min sino

