Nitong mga nakaraang araw ay hindi pa rin kami makapaniwala na isang sinaunang mangkukulam si Miss Gina. Nag-iba ang tingin namin sa kaniya dahil doon. Hindi naman big deal sa amin na mangkukulam siya, ang big deal sa amin is isa siyang masamang mangkukulam. Nakakabilib na kaya niyang itago ang enerhiya niya dahilan para hindi ko ito maramdaman. Naging alerto rin ako dahil sa oras na malaman niya na alam namin na isa siyang magkukulam ay maaari niya kaming saktan. Naglalakad ako ngayon papuntang school dahil hindi ako mapakali at nangangamba sa anong maaaring mangyari sa mga susunod na araw. "Happy Birthday!" sigaw ni Elle at niyakap ako. Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot niya. Umakbay siya sa akin pagkatapos akong yakapin. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Napahampas ako sa no

