Naglalakad kami ngayon ni Ethan papuntang school. Hindi siya makapagsalita kagaya ko kaya tahimik lang kaming dalawa. Wala pa si Elle dahil sa malaking bahay pa namin siya sasalubungin malapit sa school. "Stella," pagsasalita ni Ethan kaya lumingon ako sa kaniya. Hindi siya makatingin sa akin at nilalaro niya ang mga daliri niya. "S-sorry nga pala sa nangyari n-nung araw na nag-bake tayo, hindi ko sinasadya. Kung hindi lang kita nayakap edi sana h-hindi iyon mangyayari," nauutal na sabi niya. Ramdam ko ang kaba niya. "Sorry rin, kasalanan ko ang nangyari kung hindi lang ako malikot edi sana hindi ka nawalan ng balanse," sabi ko. "Hindi kasalanan ko kaya sorry," wika ni Ethan. "Ako ang may kasalanan Ethan huwag mong sisihin ang sarili mo," sabi ko. Magsasalita pa sana siya kaso biglan

